^

PSN Palaro

FEU, Ateneo, Lyceum asinta ang quarterfinals

- Ni Manuel Cinco -

MANILA, Philippines – Tatlong koponan ang magtatangka na maselyuhan ang kanilang pagsampa sa quarterfinal round ng ika­lawang conference ng Shakey’s V-League Season 7 ngayong araw sa The Arena sa San Juan.

Haharapin ng FEU ang Perpetual Help sa pambu­ngad na bakbakan habang sasagupain naman ng Ate­neo ang nangungulelat na St. Benilde sa alas-4 ng ha­pon at makikipagbanggaan ang Lyceum sa National University sa tampok na laban.

Susubukan ng Lady Tamaraws, galing sa isang straight set victory laban sa NU noong nakaraang Huwebes, na makuha ang kanilang ika-apat na sunod na tagumpay laban sa La­dy Altas na matapos ipa­nalo ang kanilang unang laban ay apat na sunod na kabiguan na ang nalasap.

Muli na namang pagbibidahan ng tambalang Rachelle Anne Daquis at Michelle Carolino ang mga taga- Morayta kasama sina Monique Tiangco at Cherry Mae Vivas habang sasandig naman ang mga taga- Las Piñas kina Nica Guliman, Ronerry Dela Cruz at Sandra Delos Santos.

Hangad naman ng La­dy Eagles na masundan ang kanilang five-set win kontra sa Lyceum noong Linggo sa kanilang pakikipagbuno sa wala pa ring panalong Lady Blazers na huling nakatikim ng talo sa kamay ng Adamson nitong Linggo sa ligang inorganisa ng Sports Vision at iniisponsoran ng Shakey’s Pizza.

Matapos namang ma­bigo sa Ateneo noong Ling­go, asam ng Lady Pi­rates na makabangon sa kani­lang pagharap sa National University. Nagapi ng Ateneo ang Lyceum sa loob ng limang sets matapos kunin ng Lyceum ang ikalawa at ikatlong sets at lumamang sa maagang bahagi ng fourth set.

ATENEO

CHERRY MAE VIVAS

LADY BLAZERS

LADY PI

LADY TAMARAWS

LAS PI

LINGGO

MICHELLE CAROLINO

NATIONAL UNIVERSITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with