Pinoy keglers sasabak sa Germany

MANILA, Philippines - Matapos makuha ang master’s title sa South Korea apat na taon na ang nakakalipas, muli na namang pangungunahan ni Biboy Rivera ang tangka ng Pilipinas sa paparating na World Men’s Bowling Championships sa Munich, Germany sa Agosto 12-21.

Kasama ni Rivera sa RP Team na lalahok sa na­turang event sina Asian Championships gold me­dalist Raoul Miranda, Chester King, Bensher Layoso at ang baguhang si Frederick Chua.

Sasagupain ng mga Pinoy bowlers ang 370 na manlalaro na magmumula sa 69 na bansa kabilang na ang mga top bowlers mula sa Sweden at Finland.

Magsisilbing coach ng RP Team si Jojo Canare na nagpahayag na may ma­lakas ang tsansa ng ko­ponan sa inidividual events at patuloy pa silang nag-eensayo para sa mga team events. 

Show comments