^

PSN Palaro

SBP umaasang papayagan ng PBA, Coke na makasama si Asi

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Sa pagpayag ng FIBA-Asia sa paghugot ng Smart Gilas kay Asi Taulava para sa darating na Stankovic Cup, umaasa ang Sama­hang Basketbnol ng Pilipinas (SBP) na ito rin ang ga­gawin ng Philippine Basketball Association (PBA) at ng Coca-Cola.

Ang 6-foot-9 Filipino-Tongan na si Taulava ang makakatuwang ng Smart Gilas para sa naturang tor­neo sa Agosto 7-15 sa Beirut, Le­ba­non.

“We have asked permission from Coke and the PBA, we hope they’ll allows us to use Asi,” wika kahapon ni Smart Gilas team manager Frankie Lim kay Taulava na inaasa­hang sasapo sa maiiwang trabaho ni naturalization candidate Marcus Douthit.

Maliban sa 6’9 na si Douthit, may problema rin sa passport si Fil-Am Chris Lutz, samantalang may tinatapos pa sa kanilang pag-aaral sina 6’6 Rabeh Al-Hussaini at 7’0 Greg Slaughter.

Maiiwan sa shaded lane para sa Nationals sina 6’7 Japeth Aguilar at 6’6” Jason Ballesteros.

Kasama ng Nationals sa Group B sa Stankovic Cup ang Lebanon, Jordan, Qatar at Syria, habang nasa Group A naman ang Asian champion Iran, Japan, Kazakhstan at Chinese Taipei.

ASI TAULAVA

CHINESE TAIPEI

FIL-AM CHRIS LUTZ

FRANKIE LIM

GREG SLAUGHTER

GROUP A

GROUP B

JAPETH AGUILAR

JASON BALLESTEROS

SMART GILAS

STANKOVIC CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with