^

PSN Palaro

Baste nagsosolo na sa unahan; Cardinals kumana rin ng 2 dikit na panalo

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Dumiretso sa kanilang pang anim na sunod na pa­nalo ang Stags, habang sinikwat naman ng Cardi­nals ang kanilang ikalawang dikit na tagumpay.

Sumandig ang nagde­depensang San Sebastian College-Recoletos sa foul shot ni Anthony Del Rio pa­ra takasan ang College of St. Benilde, 75-74, at angkinin ang pangunguna sa first round ng 86th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Sa ikalawang laro, sumandal naman ang Mapua Institute of Technology kina Mark Acosta, Rodel Ranises, Erwin Cornejo at Jonathan Banal sa second half upang ipagpag ang Emilio Aguinaldo College, 82-68.

Tumipa si Acosta ng 14 marka para sa Cardinals kasunod ang 13 ni Ranises, 11 ni Cornejo at 9 ni Banal, ang 2007 NCAA Rookie of the Year awardee.

May 6-0 rekord nga­yon ang San Sebastian ka­sunod ang San Beda College (5-0), Jose Rizal University (4-2), Mapua (4-2), Arellano University (2-3), St. Benilde (1-3), EAC (1-4), Letran College (1-4) at University of Perpetual Help-System Dalta (0-6).

Halos masayang ang ipinosteng 17-point lead, 78-51, ng Stags sa third period nang pangunahan ni Carlo Lastimosa, pamangkin ni dating PBA star Jojo Lastimosa, ang pagbangon ng Blazers sa fourth quarter.

Sa kabila nito, naibigay pa rin ng San Sebastian ang kanilang belated birthday present kay head coach Ato Agustin, nagdiwang ng kanyang ika-47 kaarawan noong Linggo, matapos ang freethrow ni Del Rio.

Kumabig sina Calvin Abueva at Pamboy Raymundo ng tig-12 points para pamunuan ang Stags.

ANTHONY DEL RIO

ARELLANO UNIVERSITY

ATO AGUSTIN

CALVIN ABUEVA

CARLO LASTIMOSA

COLLEGE OF ST. BENILDE

DEL RIO

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

ERWIN CORNEJO

SAN SEBASTIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with