^

PSN Palaro

Nagising ang mga beterano

FREETHROWS - AC Zaldivar -

Sa wakas ay nakakuha din ng matitinding numero ang two-time defending champion Ateneo Blue Eagles kina Eric Salamat at Kirk Long upang manaig sila kontra National University Bulldogs, 82-65 noong Sabado.

Iyon ang ikatlong panalo sa limang games para sa Blue Eagles at kahit paano’y above .500 pa rin ang kani­lang record. Kasi nga, itinuturing na delikadong kalaban ang Bulldogs dahil sa may matinding Cameroonian ang mga ito sa katauhan ni Emmanuel Mbe.

Ang Blue Eagles ay nakalasap ng kabiguan buhat sa powerhouse Far Eastern University Tamaraws, 72-69 sa kanilang unang laro. Pagkatapos ay pinayuko sila ng host La Salle Green Archers, 66-63 dalawang Linggo na ang nakalilipas.

Kontra Green Archers ay pinapaboran sana sila ng odds makers. Kasi nga, bago nag-umpisa ang season, maraming nag-akalang humina ang La Salle bunga ng pagbabagong naganap sa line-up nito.Napakaraming baguhang kinuha na naman ni coach Dindo Pumaren na humalili sa kanyang kapatid na si Franz.

Pero kahit na ano pa ang sabihin, malakas pa rin ang La Salle. Kasi nga, matapos na talunin ang Ateneo, aba’y hinatak pa ng Green Archers sa dalawang overtime period ang Tamaraws bago yumuko, 84-80 noong Huwebes.

So, hindi naman pala “shocker” ang panalo ng La Salle sa Ateneo. Kahit paano’y masasabing may kulang sa “chemistry “ o “formula” ng Blue Eagles.

Maraming nagsasabi na hindi pa napupunan ang pagkawala nina Rabeh Al-Hussaini at Nonoy Baclao, dalawang big men na responsable sa back-to-back titles ng Blue Eagles. Pero unti-unti namang nag-step up ang mga third year players na sina Justin Chua at Niko Salva upang ipakitang kaya din nilang dominahin ang shaded area. Si Chua ay isang dating Most Valuable Player noong naglalaro pa siya ng high school ball sa Chiang Kai Shek College. Si Salva naman ay produkto ng basketball program ng San Beda.

Kung titingnang maigi, ang pagkukulang ng Ateneo ay sa mga naiwang beterano na inaasahan sanang bumuhat sa team ngayon. Ito’y sina Salamat, Long at Ryan Buenafe. Hindi sila nakapamayagpag sa unang apat na games ng Blue Eagles. Kinulang sila sa consistency.

Pero kontra Bulldogs ay lumabas muli ang husay nina Salamat at Long. Si Salamat ay nagtapos nang may game-high 20 puntos, samantalang si Long ay nag-ambag ng 19 puntos kasama na ang apat na thtree-point shots. Subalit patuloy na na­nga­ngapa si Buenafe na nagdagdag lang ng dalawang puntos.

Pero okay na rin iyon. Kasi two-out-of-three naman, eh.

Kung dalawa sa tatlong inaasahan ang pumutok, malaking bagay na iyon. Kasi kapag pumapasok ang mga outside shots ng mga ito, kahit paano’y naiibsan ang pressure sa balikat ng mga rebounders ng Ateneo na ngayon pa lamang nabibigyan ng mahabang playing time upang patunayan ang kanilang sarili.

Importanteng ipakita ng mga beterano ang kanilang leadership upang mahawa ang mga iba. Kasi, kung ang mga beterano mismo ang hindi makapag-deliver, aba’y hindi puwedeng sisihin ang mga baguhan.

ANG BLUE EAGLES

ATENEO

ATENEO BLUE EAGLES

BLUE EAGLES

CHIANG KAI SHEK COLLEGE

DINDO PUMAREN

KASI

LA SALLE

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with