^

PSN Palaro

FEU matikas pa rin, La Salle nakabangon

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Hindi pa rin napipigil ang pananalasa ng Far Eastern University.

Nakitaan ng pinakamagandang paglalaro sa open­sa ang Tamaraws para ika­sa ang 74-65 panalo sa Adamson upang maisulong sa 6-0 ang kanilang karta sa pagpapatuloy kahapon ng 73rd UAAP men’s basketball sa Philsports Arena sa Pasig City.

May 16 puntos si RR Garcia habang 13 puntos ang ginawa ni Aldrech Ramos na hindi sumablay sa anim na buslo kasama ang isang tres.

May 11 puntos at 10 re­bounds si Pipo Noundou habang 10 naman ang ibi­nigay ni Kens Knuttel pa­ra sa Tamaraws na hindi nagkaproblema sa Falcons sa kabuuan ng laro.

Lumayo sa 15 pun­tos ang Tamaraws sa ikatlong yugto 58-43 at kahit naka­dikit pa sa pito, 51-58, ang Falcons ay hindi nataranta ang FEU at nagpakawala ng 14-5 bomba para tulu­yang selyuhan ang panalo sa 72-56 bentahe.

Si Christopher Exci­miniano ay nagbuhos nga ng anim sa kanyang walong puntos sa pamatay na run upang ipatikim sa Adamson ang ikalawang kabiguan matapos ang anim na laro.

Nakitaan naman ng ka­tatagan ang La Salle upang maisantabi ang pag­hahabol ng UST para sa 61-53 panalo sa isa pang laro.

Ang panalo na nasaba­yan ng pagbagsak ng Adamson ay nagresulta upang makuha ng Archers ang ikalawang puwesto sa 4-2 karta.

ADAMSON

ALDRECH RAMOS

FAR EASTERN UNIVERSITY

KENS KNUTTEL

LA SALLE

NAKITAAN

PASIG CITY

PHILSPORTS ARENA

SHY

TAMARAWS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with