^

PSN Palaro

SSC belles tatangkain uli ang quarters vs NU

- Ni Manuel Cinco-trainee -

MANILA, Philippines -  Tatangkain ngayon ng San Sebastian-Excelroof at Ateneo na makabangon matapos nilang matikman ang kani-kanilang unang kabiguan sa pagpapatuloy ng aksyon ng ikalawang con­ference ng Shakey’s V-League Season 7 sa The Arena sa San Juan.

Haharapin ng league-leading Lady Stags ang baguhang National University sa alas-4 habang makiki­pagtagpo naman ang Lady Eagles sa Lyceum sa isang umaatikabong salpukan sa tampok na laro sa alas-6 ng gabi.

Kung papalaring ma­nalo ang Lady Stags, pormal nilang ookupahan ang unang puwesto sa quarterfinals.

Nalasap ng San Sebastian ang kanilang kauna-una­­hang kabiguan sa li­mang laro sa ligang inorganisa ng Sports Vision at iniisponsoran ng Shakey’s Pizza no­ong Huwebes ng masilat sila ng Adamson sa limang sets, 16-25, 26-24, 25-23, 16-25 at 15-10.

Yumuko naman ang La­dy Eagles sa San Se­bas­tian noong ika-22 ng Hul­yo upang matikman ang kanilang unang talo sa loob ng tatlong laro sa loob lamang ng tatlong sets, 22-25, 17-25 at 24-26.

Kasalukuyang hawak ng Lady Stags liderato tag­lay ang 4-1 win-loss slate habang tangan tangan naman ng Lady Eagles ang 2-1 panalo-talong baraha.

Hahangarin naman ng ADMU na muling makuha ang solong ikalawang pu­­westo sa kanilang bang­gaan ng Lyceum. Pa­­ngu­ngu­nahan na namang muli ni Thai import Surasawadee Boonyuen ang atake ng Lady Eagles kasama sina Fille Cainglet, Gretchen Ho, Bea Pascual at Alyssa Valdez.

Maghaharap naman sa pambungad na bakbakan ang Adamson na nangga­ling mula sa impresibong panalo laban sa San Sebastian at ang wala pa ring panalong St. Benilde sa alas-2 ng hapon.

vuukle comment

ADAMSON

ALYSSA VALDEZ

BEA PASCUAL

FILLE CAINGLET

GRETCHEN HO

LADY EAGLES

LADY STAGS

NATIONAL UNIVERSITY

SAN SEBASTIAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with