^

PSN Palaro

Manila kampeon sa baseball

- Ni AT -

MANILA, Philippines -  Nalimitahan ni Jon Jon Robles ang Cebu sa dalawang hits lamang habang hindi sumablay si Nino Tator sa apat na pagpalo upang mapangunahan ang kinuhang 2-1 ta­gumpay ng Manila at hirangin bilang Dunkin’ Donuts Baseball Philippines Series VI champion kahapon sa Felino Marcelino Memorial Stadium sa Taguig City.

Unang kampeonato ito ng Sharks matapos ang tat­long second place finishes at nangyari ito nang kunin ang best of three series nila ng Dolphins sa 2-1 iskor.

Si Robles, na siya ring winning pitcher sa game one sa 5-3 panalo, ay nakitaan ng bangis mula sa third inning nang wala ng manlalaro ng Cebu ang nakatungtong ng base.

May 10 strikeouts din ang kaliweteng pitcher sa wa­lang pahingang pagpukol upang maipakita na tama ang ginawang pagkuha sa kanya ng Sharks sa series na ito.

“Medyo nakakarekober na ako sa tagal ng panahong hindi ako nakalaro. Halos nine months din ako naba­kante pero nakondisyon din ako sa tulong at suporta rin ng mga teammates ko,” wi­ka ni Robles na hinirang din bilang Finals MVP.

Si Edmer del Socorro ang siyang pumukol sa two-time champion na Dolphins at tinamaan ng walo at napasukan ng dalawa bu­kod sa apat na strikeouts.

Suki siya ni Tator na gu­mawa ng tatlong double at isang single sa apat na pagpalo habang si Christian Galedo naman ang si­yang umako sa dalawang runs ng Manila.

Unang umiskor ang Ce­bu at si Del Socorro ang naghatid nito nang maka-double siya, umabante sa sacrifice hit ni Jonard Pareja at umiskor sa squeeze play ni Ram Alipio.

Pero nakatabla ang Ma­nila sa third inning sa isang two-out situation.

Si Galedo ay tumungtong sa base sa isang fielding error ni Pareja bago umabante sa second at third sa double ni Tator at pumasok sa single naman ni Marvin Malig.

Ang go-ahead run ay nangyari sa fifth inning na hatid din ni Galedo sa isa ring two-out situation. Kinana niya ang natatanging hit sa laro bago ninakaw ang second at uma­bante sa third at dumiretso sa ho­meplate sa double uli ni Tator para sa panalo.

vuukle comment

CEBU

CHRISTIAN GALEDO

DEL SOCORRO

DONUTS BASEBALL PHILIPPINES SERIES

FELINO MARCELINO MEMORIAL STADIUM

JON JON ROBLES

JONARD PAREJA

MARVIN MALIG

SHY

TATOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with