^

PSN Palaro

Puwesto sa quarterfinals seselyuhan ng Lady Stags vs Falcons

- Ni Manuel Cinco-trainee -

MANILA, Philippines - Tatangkain ng San Se­­bastian-Excelroof na tu­luyan ng sikwatin ang unang upuan sa quarterfi­nal round ng ikalawang conference ng Shakey’s V-League Season 7 sa ka­nilang pagharap sa Adamson ngayong araw sa The Arena sa San Juan.

Ang wala pang talo sa apat na laro na Lady Stags ang may bentahe laban sa Lady Falcons na nangga­ling sa kabiguan laban sa FEU noong Linggo sa loob ng three sets lamang.

Muli na namang aasahan na pangungunahan ni Thai import Jeng Bualee, ang leading scorer ng liga, ang atake ng San Sebastian at sesegundahan na na­man siyang muli ng kapwa guest player Suzanne Roces at nila mainstays Joy Benito, Melissa Mirasol, Elaine Cruz at Jennelyn Belen na haharap sa Lady Falcons na pagbibidahan nina guest players Mik Mik Laborte at Nene Bautista katuwang sina Pau Soria­no, Angela Benting at Gail Martin.

Nakatakda ang sagupaan ng Lady Stags at Fal­cons sa main game alas-6 ng gabi matapos ang labanan sa pagitan ng National U at FEU sa alas-4 ng hapon.

Sa unang laro, maghaharap naman ang Perpe­tual Help at ang St. Benilde sa alas-2 ng hapon.

Kung mananaig ang Lady Stags laban sa Lady Falcons, kanila ng makuku­ha ang unang quarterfinals spot habang ang Falcons naman ay nag-aasam na makuha ang kanilang ikat­long panalo sa loob ng li­mang laro sa season-en­ding tournament na iniisponsoran ng Shakey’s Pizza.

Bukod sa asam na unang quarterfinal spot, ma­giging kapanapanabik din ang banggaan ng San Sebastian at Adamson dahil ang Lady Stags ang leading spiking team habang ang Lady Falcons naman ang top blocking squad ng torneo. 

ADAMSON

ANGELA BENTING

ELAINE CRUZ

GAIL MARTIN

JENG BUALEE

LADY

LADY FALCONS

LADY STAGS

SAN SEBASTIAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with