^

PSN Palaro

La Salle pipigilan ang FEU

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Isang winning streak ang magwawakas matapos ang tagisan sa 73rd UAAP men’s basketball ngayon sa Araneta Coliseum.

Magsusukatan ang FEU at La Salle sa ganap na alas-2 ng hapon at ang ma­nanalo ay maipagpa­patuloy ang kanilang winning streak bukod pa sa pagka­pit sa liderato sa walong ko­ponang liga.

Ang Tamaraws ay napapaboran matapos ngang ipanalo ang apat na unang laro para maging natata­nging koponan na hindi pa nabibigo sa unang ikutan.

Patuloy na kumukuha ng magandang paglalaro si coach Glen Capacio sa mga inaasahan na sina RR Garcia, Aldrech Ramos, Reil Cervantes at Paul Sanga.

Ngunit naipapakita pa ng Tamaraws ang lalim ng kanilang bench dahil nag­papasikat din ang mga manlalarong kabahagi sa rotation. 

Isa sa nagpasikat ay si Terrence Romeo na kumawala ng 21 puntos nang ilampaso ng FEU ang UP, 94-70 sa huling laro.

“Pinakamasayang coach na ako marahil sa liga dahil sa ipinakikitang laro ng mga bata,” ani Capacio.

Ngunit tiyak na masusukat sila sa Archers na may dalawang dikit na panalo matapos simulan ang kampanya sa 1-1 karta.

Ang naunang sinasabing mahinang koponan dahil mga sophomores ang halos bumubuo sa tropa at ang coach na si Dindo Pu­maren ay bagong upo sa La Salle ay tila mali dahil nasa ikalawang puwesto ang Archers kasalo ang Adamson sa 3-1 karta.

Sinelyuhan ng koponan ang pagiging title contender nang talunin ang karibal at nagdedepensang Ateneo, 66-63, nitong Hulyo 24.

Maghihiwalay naman ng landas ang UST at National University sa ikalawang laro dakong alas-4 ng hapon.

Parehong may 2-2 kar­ta ang Tigers at Bulldogs upang makasalo ng pahingang Eagles sa ikatlong grupo sa standings.

ALDRECH RAMOS

ANG TAMARAWS

ARANETA COLISEUM

DINDO PU

GLEN CAPACIO

LA SALLE

NATIONAL UNIVERSITY

NGUNIT

PAUL SANGA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with