^

PSN Palaro

Donaire handang tumulong sa ABAP para sa Asiad

- Ni RCadayona -

MANILA, Philippines - Handa si Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr. na tulungan ang mga amateur fighters ng Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) para sa paghahanda sa da­ra­­ting na 16th Asian Games sa Guangzhou, China sa Nobyembre at sa 26th South­east Asian Games sa Indonesia sa 2011.

Ginawa ito ng 27-anyos na si Donaire kahapon sa isang press conference na inihandog sa kanya ng GMA Channel 7, naglatag sa kanyang mga tv guestings sa Show Me The Manny, Hole In The Wall, Party Pilipinas at Danz Showdown.

Ayon sa tubong Talibon, Bohol na si Donaire, tinalo si Mexican challenger Hernan “Tyson” Marquez via eight-round TKO para panatilihing suot ang kanyang World Boxing Association (WBA) interim super flyweight title noong Hulyo 10 sa Coliseo Jose Miguel Agrelot sa Hato Rey, Puerto Rico, kumpleto ang kanyang Un­disputed boxing gym sa San Carlos, California, USA sa mga boxing equipment. 

“Kasi maganda ‘yung fa­cility ko sa United States, may nutritionists, may strength trainers, lahat ng mga kailangan ng mga amateur boxers natin dito meron doon,” ani Donaire sa Undisputed boxing gym na kanyang pag-aari kahati ang isang kaibigan.

“I just want to help our amateur boxers para one day we might have our very first Olympic gold medal,” dagdag pa ni Donaire, na­ging gold medalist sa National Silver Gloves noong 1998, sa National Junior Olympics noong 1999 at sa National USA Tournament noong 2000 bago naging professional fighter noong 2001.

Kapwa pumasok sa finals stages ng light flyweight division si Donaire at kapatid nitong si Glenn sa US Olympic trials noong 2000 bago tinalo ni Brian Viloria.

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

ASIAN GAMES

BRIAN VILORIA

COLISEO JOSE MIGUEL AGRELOT

DANZ SHOWDOWN

DONAIRE

FILIPINO FLASH

HATO REY

HOLE IN THE WALL

NATIONAL JUNIOR OLYMPICS

NATIONAL SILVER GLOVES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with