^

PSN Palaro

SMBeer, Aces kakatok sa finals

-

MANILA, Philippines - Para kay coach Siot Tan­quingcen, hindi garantiya ang pagkakaroon ng mga Beermen ng offensive firepower para makatiyak ng isang finals berth.

“Even if people say we have some good talent on the offensive end, talent can only get you so far, eh,” sabi ni Tanquingcen. “Pagdating ng playoffs everybody’s ta­lented naman, so you ha­ve to make stops to give yourself some chance to get ahead a little.”

Matapos kunin ang Ga­me One, 101-88, isi­nu­ko naman ng nagdede­pensang San Miguel ang Game Two, 94-95, sa Derby Ace bago angkinin ang 2-1 abante sa kanilang best-of-seven semifinals series mula sa 74-70 tagumpay sa Game Three noong Linggo.

Hangad ang kani­lang ikalawang sunod na panalo, sasagupain ng Beermen ang Llamados sa Game Four ngayong alas-7:30 ng gabi matapos ang salpukan ng Alaska Aces at Talk ‘N Text Tropang Texters sa alas-5 ng hapon sa 2009-2010 PBA Fiesta Confe­rence sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Bitbit rin ng Alaska ang 2-1 lamang sa kanilang serye ng Talk ‘N text nang isubi ang 90-86 panalo sa Game Three.

Muling babanderahan nina Best Import Gabe Free­man, Arwind Santos, Jay Washington, Dondon Hontiveros, Danny Ildefonso at Danny Siegle ang San Miguel katapat sina Tony Washam, James Yap, Marc Pingris, Roger Yap, PJ Simon at rookie Rico Maierhofer ng Derby Ace.

Pinuwersa ng depen­sa ng Beermen ang Llama­dos sa malamyang 5-of-18 fieldgoal shooting sa third period at 4-of-20 clip sa fourth canto para kumpletuhin ang kanilang pagba­ngon mula sa isang 17-point deficit sa second quarter.

Sa inisyal na laro, kum­piyansa naman ang Aces sa Game Four matapos matakasan ang Tropang Texters, hindi makukuha ang serbisyo ni Ryan Re­yes bunga ng right leg injury nito noong Linggo.

“If we were down 2-1, going into this next stretch of three games it would be very difficult for us,” ani mentor Tim Cone sa kan­yang Alaska. “But being up 2-1 now and having a couple of days break and having this with the three games in five days will help us tremendously.”

Sinasabing pinaplano ni coach Chot Reyes na pa­litan si Talk ‘N Text reinforcement Shawn Daniels dahilan sa pagkakadomina rito ni Diamon Simpson sa kanilang semifinals series.

ALASKA ACES

ARWIND SANTOS

BEERMEN

BEST IMPORT GABE FREE

CHOT REYES

DERBY ACE

GAME FOUR

GAME THREE

SAN MIGUEL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with