^

PSN Palaro

Joint committee task force para sa Asiad inilatag ng PSC, POC

- Ni RC -

MANILA, Philippines - Isang joint committee task force ang napagkasun­duan ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng Philippine Olympic Committee (POC) ukol sa pag­hahanda ng bansa para sa darating na 16th Asian Games sa Guangzhou, China sa Nobyembre.

Ang dalawang task for­ce ay magtatampok sa tig-tatlong miyembro mula sa PSC at POC.

“What we wanted is not only for Asian Games,” ani POC spokesman Joey Romasanta na siya ring tumatayong Chef De Mission ng Team Philippines para sa 2010 Guangzhou Asiad. “But a more permanent joint committee which is also for all other international tournaments that the Philippines will see action in the future.”

Inihayag ito ni Roma­santa matapos ang maik­ling turnover ceremony sa pagitan nina bagong PSC chairman Richie Garcia at ni dating PSC chief Harry Angping.

Ang paghahanda para sa 2010 Guangzhou Asiad ang nauna nang sinabi ni Garcia na una niyang aasi­kasuhin sa kanyang unang araw sa sports agency matapos matanggap ang official confirmation mula sa Malacañang noong Hul­yo 19.

Kakatawan sa PSC sa task force sina accountant Merly Ibay (finance), Boy Dinglasan (transportation) at Commissioner Chito Loyzaga, habang sina Romasanta, Moying Martelino at Dr. Benjamen Espiritu ng Far Eastern University ang tatayo sa panig ng POC.

Sa 2006 Asian Games sa Doha, Qatar, kabuuang apat na gold, anim na silver at siyam na bronze me­dals ang naiuwi ng dele­gasyon.

Ang apat na gintong me­dalya ay nanggaling kina bantamweight Joan Tipon at flyweight Violito Payla sa boxing, cue artist Antonio Gabica sa men’s 9-ball singles sa billiards at Rene Catalan sa men’s sansou 52-kilogram event.

ANTONIO GABICA

ASIAN GAMES

BOY DINGLASAN

CHEF DE MISSION

COMMISSIONER CHITO LOYZAGA

DR. BENJAMEN ESPIRITU

FAR EASTERN UNIVERSITY

GUANGZHOU ASIAD

HARRY ANGPING

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with