^

PSN Palaro

Israeli GM pinisak ni So, nasolo ang unahan sa Biel chessfest

- Ni Manuel Cinco -

MANILA, Philippines - Ipinagpatuloy ni GM Wesley So ang kanyang impre­sibong kampanya sa idinaos na 2010 Biel Young Grandmasters Chess Championship.

Matapos manatili sa pakikisalo sa liderato sa paki­kipagtabla sa second round, ginapi ni Wesley So si GM Maxim Rodshtein ng Israel sa pamamagitan ng 39 moves gamit ang Gruenfeld sa kapana-panabik at git­gitang third round noong Miyerkules.

Umabot sa halos apat na oras ang bakbakan ng World number 60 na si So at ni Rodshtein.

Ito ang ikalawang tagumpay ng tubong Bacoor na si So sa loob ng tatlong laban. Nasa unahan siya ng ca­tegory 17 na mayroong kabuuang 2.5 na puntos.

Sina GM Evgeny Tomashevky ng Russia at GM Fabiano Caruana ng Italy ang nasa likuran ni So na pa­wang mayroong dalawang puntos.

Kakaharapin ni So sa ika-apat na round si GM Parimarjan Negi ng India na nasa ika-siyam na puwesto.

Nauna ng tinalo ni So sa unang round si GM David Howell at nakipagtabla naman siya sa second round kay GM Maxime Vachier-Lagrave ng France.

Sa kanilang nag-iisang paghaharap bago ang ta­gumpay na ito ni So, nagkasya ang dalawang batang GM sa table sa World Junior Championship sa Armenia noong 2007.

BACOOR

BIEL YOUNG GRANDMASTERS CHESS CHAMPIONSHIP

DAVID HOWELL

EVGENY TOMASHEVKY

FABIANO CARUANA

MAXIM RODSHTEIN

MAXIME VACHIER-LAGRAVE

PARIMARJAN NEGI

WESLEY SO

WORLD JUNIOR CHAMPIONSHIP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with