Cebu taob sa MP GenSan
MANILA, Philippines - Nagpakawala ng dalawang mahalagang tres si Jonathan Parreno na siyang naging sandalan ng MP Gensan upang patikimin ng kauna-unahang kabiguan ang M. Lhuillier Kwarta Padala-Cebu sa pamamagitan ng 79-74 panalo sa pagpapatuloy ng 7th leg ng Tournament of the Philippines kahapon sa Emilio Aguinaldo College Gym.
Ang pangalawang tres nga ni Parreno ay ibinagsak matapos huling dumikit ang Ninos sa 74-71 sa 3-pointer ni Stephen Padilla para makamit ng Warriors ang malaking panalo at nagpagulo din sa karera para sa leg finals.
Tinalo din ng Cobra ang Ani-FCA, 82-80, upang magkaroon ng 1-1 karta ang apat na kalahok sa torneong ito.
Si Pari Llagas ay nakapagbuslo sa puntong papaubos na ang oras para itulak ang Ironmen sa tagumpay.
Dahil sa pangyayaring ito, ang mananalo sa pagtatapos ng elimination round ngayon ang siyang kukuha ng puwesto sa Finals na gagawin bukas.
Si Christian Nicdao ay mayroong 17 puntos at seven rebounds habang si Angel Raymundo ay nagdagdag ng 16 puntos at 13 rebounds. May tig-10 puntos naman sina John Gonzaga, Jasper Callo at Dave Sagad at ang huli ay humablot din ng 11 rebounds.
- Latest
- Trending