^

PSN Palaro

Bradley isinasama na rin sa listahan para makasagupa si Pacquiao

-

MANILA, Philippines - Maliban kina Miguel Cotto at Antonio Margarito, isi­nasama si Timothy Bradley sa mga nagnanais na makalaban ni Manny Pacquiao sa kanyang pagbabalik ng ring sa Nobyembre 13.

Si Bradley ay itinapon sa posibleng makakalaban ni Pacquiao matapos manalo sa kanyang unang sabak sa welterweight division laban kay Luis Carlos Abregu noong Hulyo 17 sa California.

Dinomina ni Bradley ang WBO light welterweight champion, si Abregu tungo sa unanimous decision pa­nalo sa labang tumagal sa loob ng 12 rounds.

Mismong si Bradley matapos ang laban ay nagha­yag ng hamon di lamang para kay Manny Pacquiao kundi kasama na si Floyd Mayweather Jr.

“I want to fight the best fighters in the world. Manny Pacquiao or even Floyd Mayweather,” wika ng 26-anyos na si Bradley.

Sinabi niyang wala siyang takot sa alinmang boksi­ngero dahil naniniwala siyang kakayanin niya ang mga suntok ng mas tinitingalang boksingero.

Maging ang manager nito na si Cameron Dunkin ay nagsabing maaaring mangyari ang pagkikita nila ng Pambansang kamao at kanyang pinaniniwalaan na hahakot din ito ng manonood dahil na rin sa katotohanang naisasama ang pangalan ni Bradley sa mga talaan sa mga posibleng makasagupa ni Pacman.

 Hindi pa natatalo si Bradley sa 27 laban bagamat may isang no contest. Kilala rin siya na nagtataglay ng mababangis na kamao sa kanyang 11 KOs.

Para naman kay Arum ay nangunguna pa rin sa kanyang talaan sina Margarito at Cotto lalo nga’t kasaysayan ang habol niya dahil ikawalong world title ang na­kaumang kay Pacquiao sa nasabing sagupaan. (AT)

ANTONIO MARGARITO

BRADLEY

CAMERON DUNKIN

FLOYD MAYWEATHER

FLOYD MAYWEATHER JR.

LUIS CARLOS ABREGU

MIGUEL COTTO

PACQUIAO

SI BRADLEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with