^

PSN Palaro

Masolo ang liderato pakay ng Bedans

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Nagmula sa isang two-week vacation, hangad ng three-peat champions San Beda College na masolo ang pangunguna sa pakikipagharap sa tigasing Letran College sa pagba­balik ng aksyon sa 86th NCAA men’s basketball tournament.

Magsasagupa ang Red Lions at ang Knights ngayong alas-4 ng hapon matapos ang salpukan ng Arellano Chiefs at Perpe­tual Altas sa alas-2 sa The Arena sa San Juan.

Kasalukuyang magka­salo sa liderato ang nag­dedepensang San Sebastian Coillege-Recoletos at ang San Beda mula sa mag­katulad nilang 3-0 re­kord kasunod ang Jose Rizal University (3-1), College of St. Benilde (1-0), Mapua (2-1), Letran (1-2), Arellano University (1-3), Emilio Aguinaldo College (0-3) at University of Perpetual Help System Dalta (0-4).

“We’re expecting a tough game,” ani Red Lions head coach Frankie Lim sa kanilang upakan ng karibal na Knights ni Louie Alas na nag-walk out sa third quarter sa kanilang pre-season game ng San Beda.

Aminado si Alas na ma­laki ang bentahe ng ko­ponan ni Lim, muling ipa­parada sina 6-foot-7 American import Sudan Da­niel, 6’5 Dave Marcelo at 6’2 Adler Dela Rosa bukod pa kina Garvo Lanete at Borgie Hermida. 

Nagmula ang Red Lions sa 69-64 panalo kontra Mapua, habang umiskor naman ang Knights ng ma­laking 87-69 tagumpay laban sa Altas noong Hulyo 9.

ADLER DELA ROSA

ALTAS

ARELLANO CHIEFS

ARELLANO UNIVERSITY

BORGIE HERMIDA

COLLEGE OF ST. BENILDE

DAVE MARCELO

RED LIONS

SAN BEDA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with