Walang dayaan sa amateur boxing - Wu

MANILA, Philippines - Walang kontrobersya ukol sa dayaan sa amateur boxing ngayon. Ito ang tiniyak ni Interna­tional Amateur Boxing As­sociation (AIBA) president Dr. Ching-Kuo Wu sa kanyang pagbisita sa Pilipinas.

Sinabi ng AIBA chief na walang mangyaya­ring dayaan sa ilalim ng kanyang administrasyon sa amateur boxing na dating ikinunsiderang ‘red-light district’ sa palakasan.

“I have the determination. As (AIBA) president, I guarantee that tournaments will be clean and transpa­rent,” wika ng architect mula sa Taiwan na tumunghay sa katatapos na MVP International Friendship Cup sa PICC Forum.

Pitong bansa ang luma­hok sa naturang torneo kung saan tinanghal na overall champion ang Team Philippines.

Sumuntok ng walo sa kabuuang 12 gold medals ang mga national pugs, habang apat naman ang na­iuwi ng Thailand.

Sinabi ng AIBA president na sinimulan niya ang paglilinis ng amateur ranks nang siya ay maupo noong 2006.

“I have suspended three vice presidents, a sec­retary-general, and se­veral high-ranking officials who were caught trying to manipulate competition,” wika ni Wu, isang self-con­fessed basketball fan.

Show comments