Njei Accel/FilOil NCAAPC PoW

MANILA, Philippines - Naglalaro sa anino ng kapwa Cameroonian na si Joe Etame, napansin na rin ang husay ni Nchotu Njei para sa Jose Rizal University.

 Sa kanyang all-around game na nagbigay sa Heavy Bombers ng ikatlong sunod na panalo nito, napili si Njei bilang Accel FilOil NCAA Press Corps Player of the Week.

Nagtala si Njei ng 10 points, 7 assists, 6 boards, 2 steals at 2 blocks para igiya ang Jose Rizal sa 78-62 paggupo sa University of Perpetual Help System Dalta.

“Njei was playing really well on both ends of the court,” ani headcoach Vergel Meneses sa kanyang Heavy Bomber.

Umangat sa 3-1 ang baraha ng Jose Rizal sa ilalim ng nag­dedepensang San Sebastian College-Recoletos (3-0) at San Beda College (3-0).

Mula sa 29-34 halftime deficit, nag-init si Njei na nagpasigla sa opensa ng Heavy Bombers matapos kunin ang 32-point explosion at iwanan ang Altas sa 61-45 sa third period.

Bago si Njei, nabigyan na rin ang 6’8 na si Etame ng ACCEL/FilOil-backed plum.

Tinalo ni Njei para sa naturang rekognisyon sina Mark Acosta, tumipa ng 18 points sa 73-51 panalo ng Mapua sa Arellano University.

Show comments