Lady Tams pinadapa ng Pirates

MANILA, Philippines - Nagpakawala ng 27 hits si guest player Mary Jean Balse upang pangunahan ang Lyceum sa kanilang unang tagumpay sa loob ng apat na sets, 25-17, 23-25, 25-13, 25-21 laban sa Far Eastern University sa ikalawang conference ng Shakey’s V-League Season 7 sa The Arena sa San Juan nitong Huwebes ng gabi.

Nagsanib-puwersa naman para sa 33 points sina Joy Cases at Dahlia Cruz, isa pang guest player upang tulungan si Balse na ibangon ang Lady Pirates mula sa kanilang kabiguan noong linggo sa kamay ng Lady Stags para sa 1-1 na panalo-talong kartada.

Nagtapos ng may 25 kills si Balse habang si Cases naman ay mayroong 16 attacks para sa mga taga-Mu­ralla.

Nagtala ng kabuuang 18 points si Cases habang si Cruz ay mayroong 15 hits habang nagtulong naman para sa pitong puntos sina Jamie Peña at Nikkie Tabafunda.

Sina guest players Michelle Carolino at Rachelle Daquis ang bumalikat ng husto para sa Lady Tamaraws sa kanilang kinanang 16 at 13 points ayon sa pagkakasunod habang pitong players naman ang nagsalo para sa 23 puntos ng FEU na nalaglag sa dulo ng team stan­dings kasama ang St. Benilde na may tig-0-2 baraha.

“I just told them to stay focused and not be bothered by their mistakes,” saad ni Lyceum Emil Lontoc.

Show comments