^

PSN Palaro

3RD win pinasabog ng heavy bombers

-

MANILA, Philippines - Kanino pa ba huhugot ng lakas ang Heavy Bom­bers kundi sa mga beteranong sina forward Marvin Hayes at Cameroonian guard John Njei patungo sa kanilang pangatlong sunod na arangkada.

Naglista si Hayes ng 11 points at 10 rebounds, habang humakot naman si Njei ng 10 points, 6 boards, 6 assists, 2 steals at 2 shotblocks para tulungan ang Jose Rizal University sa 78-62 paggiba sa University of Perpetual Help-Dalta System sa first round ng 86th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Ito ang ikatlong dikit na panalo ng Mandaluyong-based cagers makaraang matalo sa San Beda College sa kanilang unang laban.

Ipinoste ng Altas ang isang 13-point advantage, 45-32, sa third period mula sa 34-29 lamang sa first half galing sa 16 produksyon ni George Allen, isang transferee buhat sa Philippine Christian University, bago nalimita sa 17 puntos sa ka­buuan ng fourth quarter.

Sa naturang yugto, sinandigan ng Jose Rizal sina Hayes at Njei bukod pa kina Lopez, Almario at Gilbert Bulangis at Raycon Kabigting. 

Umangat ang baraha ng Heavy Bombers ang 3-1 rekord sa ilalim ng nagde­depensang San Sebastian (3-0) at Red Lions (3-0) ka­sunod ang St. Benilde   (1-0), Mapua (2-1), Letran (1-2), Arellano (1-3), EAC (0-3) at Altas (0-4).

Sa ikalawang laro, ini­lam­paso ng Cardinals ang Chiefs, 73-51. 

ALTAS

GEORGE ALLEN

GILBERT BULANGIS

HEAVY BOM

HEAVY BOMBERS

JOHN NJEI

JOSE RIZAL

JOSE RIZAL UNIVERSITY

MARVIN HAYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with