^

PSN Palaro

Krusyal na bakbakan ngayon sa Cuneta; Llamados isasalba ng bagong import vs Ros

- Ni Russsell Cadayona -

MANILA, Philippines - Habang hangad ng Elas­to Painters na tapusin ang kanilang serye ng Llamados, asam naman ng Gin Kings na maitulak sa isang ‘do-or-die’ ang kani­lang banggaan ng Aces.

Nakaiwas sa isang ‘sweep’, tatangkain ng Barangay Ginebra na maitabla sa 2-2 ang kanilang best-of-five championship series sa krusyal na Game 4 ngayong alas-5 ng hapon sa 2009-2010 PBA Fiesta Conference sa Cuneta Astro­dome sa Pasay City.

Sa ikalawang laro sa alas-7:30 ng gabi, pipilitin naman ng Rain or Shine na wakasan ang kanilang serye ng Derby Ace sa bitbit na 2-1 bentahe.

Buhat sa 0-2 pagkakabaon, rumesbak ang Gin Kings sa Game Three ma­tapos kunin ang mala­king 91-87 panalo nitong Miyer­kules kung saan umiskor si JC Intal ng game-high 20 points, habang isinalpak n­aman ni Ronald Tubid ang dalawang freethrows para sa final score.

Aminado si coach Jong Uichico na hindi maganda ang inilalaro nina two-time PBA Most Valuable Player Willie Miller at Mark Ca­guioa.

Tinalo ng Alaska ang Ginebra sa Game One, 76-72, at Game Two, 84-82, sa kanilang serye kung saan ang mananalo ang sasagupa sa naghihintay na Talk ‘N text tropang Texters sa best-of-seven se­mifinals series.

Samantala, para sagi­pin ang kanilang kampan­­ya sa torneo, napuwersa ang Derby Ace na palitan si import Clif Brown para sa bagong hugot na si Tony Washam sa Game Four ng kanilang quarterfinals showdown ng Rain or Shine.

Si Washam, isang standout mula sa St. Vincent College, ay kumampanya sa Israel Premier League kung saan siya nagposte ng mga ave­rages na 18.7 points at 5.8 rebounds per game.

Kung mabibigo ang Der­by Ace sa Game Four, tuluyan nang maitatakda ng Rain or Shine ang kanilang best-of-seven semis series ng nagdedepensang San Miguel.

BARANGAY GINEBRA

CLIF BROWN

CUNETA ASTRO

DERBY ACE

FIESTA CONFERENCE

GAME

GAME FOUR

GAME ONE

GIN KINGS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with