^

PSN Palaro

NU spikers humataw ng buwenamanong panalo vs CSB belles sa Shakey's V-League

- Ni Manuel Cinco-trainee -

MANILA, Philippines - Bagaman baguhan pa lamang, nagpakitang gilas na kaagad ang National University sa kanilang unang laro sa ikalawang confe­rence ng Season 7 ng Shakey’s V-League ng kanilang payukuin ang College of St. Benilde sa limang sets, 25-15, 23-25, 25-23, 18-25 15-12 noong Linggo ng gabi sa The Arena sa San Juan.

Kumana ng 25 kills at nagtapos ng mayroong 26 points si Mervic Mangui upang pangunahan ang Lady Bulldogs habang nag­dagdag naman sila Maricar Nepomuceno at Elaine Sagun na may 20 at 16 hits upang ibigay sa mga taga-Sampaloc ang kanilang kauna-unahang panalo sa liga na iniisponsoran ng Shakey’s.

Sa kabila ng pagiging bagito ng NU sa primyadong volleyball league sa bansa, ipinakita nila ang tikas sa opensa at depensa sa kanilang tinipong 12 blocks laban sa tatlo lamang ng St. Benilde. Lima sa 12 na ito ay galing kay Nepomuceno.

Nagpamalas naman ng galing ang dating UST Tigress at guest player na si Denise Santiago sa kanyang 11 points kabilang ang tatlong blocks habang ang kanyang nakababatang kapatid at isa pang guest player na si Daphne Santiago ay tumapos ng may tatlong puntos.

Nagtala naman ng 18 hits si Giza Yumang upang tulungan ang Lady Blazers habang ang guest player na si Zhar Velez ay nag-ambag ng sampung puntos habang may pinagsamang 16 points naman sina Cindy Optana at Kara Agero.

Sumampa ang NU sa maagang liderato kasama ng San Sebastian at Ateneo na pawang pinagwagian sa loob ng tatlong sets ang kanilang opening games.

vuukle comment

CINDY OPTANA

COLLEGE OF ST. BENILDE

DAPHNE SANTIAGO

DENISE SANTIAGO

ELAINE SAGUN

GIZA YUMANG

KARA AGERO

LADY BLAZERS

LADY BULLDOGS

MARICAR NEPOMUCENO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with