^

PSN Palaro

TOP dadayo sa Cebu naman

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Masusukat ang husay ng Lhuillier Kwarta Padala-Cebu sa gaganaping hosting sa sixth leg ng Tournament of the Philippines (TOP) mula ngayon sa New Ce­bu Coliseum.

Makakasagupa ng Cebu ang malakas na koponan ng Mi­samis Oriental, Hobe Bihon-Ta­guig at Mandaue sa apat na araw na torneo.

Mahalaga sa Ninos ang ma­kapagpakita ng maganda hindi lamang dahil sila ang punong-abala kungdi dahil may iniingatan silang 21-game winning streak na nagsimula ng kanilang walisin ang torneo sa Liga Pilipinas noong nakaraang taon.

Sumalang na rin ang kopo­nan sa first leg at winalis ang tor­neo para makalikom din ng 15 puntos.

Unang makakasukatan ng Cebu ay ang Taguig dakong alas-7:20 ng gabi habang ang unang labanan ay sa pagitan ng Misamis Oriental at Mandaue City.

Bukod sa Hobe Bihon-Taguig City, ang isa pa sa magiging hadlang sa kampanya ng Cebu na madomina ang 5th leg ay ang fourth leg champion Misa­mis Oriental nina Gov. Oscar Moreno at coach Jun Noel.

Ang Misor Meteors ay babanderahan ng dating UAAP scoring champion na si Patrick Cabahug katulong sina Roel Hugnatan at Neil Raneses para sa kanilang panali.

Ang Taguig ay nagkampeon sa katatapos na 5th leg na itinaguyod ng Ascof Lagundi ha­­bang ang Meteors naman ang kampeon sa fourth leg na gin­awa sa Mandaue.

Ibabandera ang tropa ni coach Yayoy Alcoseba nina Ste­­phen Padilla, Bruce Dacia, Marlon Basco, Warren Yba­ñez at Mark Magsumbol para maipagpatuloy ang pagpapa­nalo at maselyuhan ang pagi­ging pambatong koponan para sa titulo sa liga.

ANG MISOR METEORS

ANG TAGUIG

ASCOF LAGUNDI

BRUCE DACIA

CEBU

HOBE BIHON-TA

HOBE BIHON-TAGUIG CITY

JUN NOEL

LHUILLIER KWARTA PADALA-CEBU

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with