^

PSN Palaro

Erica 'di magiging hadlang sa boxing career ni Viloria

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Hindi hahadlangan ni Erica Navarro sa hangarin ni Brian Viloria na muling magkampeon sa larangan ng boxing.

Si Navarro ang matagal ng girlfried ng Fil-Hawaiian na si Viloria at sila ay naka­takdang magpakasal sa taong ito.

Sa pagharap nito sa mga mamamahayag ma­tapos manalo si Viloria sa split decision kay Omar “Lobito” Soto nitong Saba­do sa Ynares Sports Center sa Pasig City, sinabi niyang nakaramdam siya ng pagkabahala nang makita si Viloria na nakahiga sa kama sa ospital sa tinamong kabiguan sa kamay ni Colombian Carlos Tama­ra noong Enero.

Kinausap pa nga niya ang 29-anyos na dating WBC at IBF light flyweight champion kung ano ang ba­lak nito matapos ang pang­yayari sa kamay ni Ta­mara na nagresulta upang mabitiwan nito ang kanyang IBF title.

“We sat down and I as­ked him if this is what he want, to continue his bo­xing. He wanted it so I’m supporting him. I’m supporting him 110 percent, 200 percent if he wants to do what he wants to do. I’ll stand by his side,” wika ni Navarro.

Pinasalamatan naman ni Viloria ang suportang na­kukuha sa magiging asa­wa at ipinangakong ga­gawin ang lahat upang hindi ma­bigo sa kanyang misyon, na makuha ang ikatlong world title sa mas mabigat na flyweight division.

Sa pamamagitan lamang ng split decision na­nalo si Viloria kay Soto sa labang muntik na namang ki­nakitaan ng malamya ni­tong pagtatapos.

“I paced myself too much in that fight. I’m going back to the gym and work hard to get the old Viloria back,” pagtitiyak pa nito.

Nais niyang sumabak uli sa isa pang laban sa bandang Oktubre o Nob­yembre at matapos nito ay malalaman niya sa sarili kung handa na ba siya para sa isang mabigat na laban kontra sa mga contenders sa dibisyon.

Ang mga kampeon na puwedeng labanan ni Viloria para sa kanyang ikatlong titulo ay sina Pongsaklek Won­jongkam ng Thailand sa WBC, Daiki Kameda ng Japan sa WBA, Julio Cesar Miranda ng Mexico sa WBO at Moruti Mthalane ng South Africa sa IBF.

BRIAN VILORIA

COLOMBIAN CARLOS TAMA

DAIKI KAMEDA

ERICA NAVARRO

JULIO CESAR MIRANDA

PASIG CITY

PONGSAKLEK WON

SHY

SI NAVARRO

VILORIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with