^

PSN Palaro

Blue Eagles nasorpresa sa Tamaraws; Bulldogs sumadsad sa Falcons

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Kumawala si RR Garcia ng 25 puntos upang pamunuan ang FEU sa kinuhang 72-69 panalo laban sa Ateneo habang tinapos din ng Adamson ang masamang ipinakikita sa unang laro sa pagpapatuloy kahapon ng 73rd UAAP men’s basketball sa Araneta Coliseum.

Tampok na buslo ni Gar­cia ay ang kanyang kinumpletong 3-point play laban kay Kirk Long na bumasag sa huling tabla sa 67-all, at makuha uli ng Tamaraws ang momentum sa mahigpitang sagupaan.

“Ako ang leader sa team namin at dapat maging example kaya ginagawa ko lahat para sa kanila at makatulong sa team,” wika ng tubong Zamboanga na guard ni coach Glen Ca­pacio.

Nagkaroon ng siyam na tabla at 13 lead change sa labanan upang maipakita ang higpit ng tagisan ng labanan.

“Bago ang larong ito ay marami ang nagduda sa puso ng mga players. Champion team ang nakalaban namin at masaya ako na ipinakita nila na may puso sila dahil hindi sila bumigay sa endgame,” wika pa ni Capacio.

Nagkaroon ng mga pag­kakataon ang Eagles na maagaw o maihirit ng tabla ang laban pero minalas sila.

Lamang lang sa 71-69 ang FEU, sumablay ang undergoal stab ni Mico Salva para sa huling dagok sa opensa ng Ateneo.

Huling nakatikim ng unang kabiguan sa unang laro ang Eagles noon pang Hulyo 10, 2005 sa kamay ng La Salle, 60-78.

Nakasalo rin ang Adam­son Falcons sa liderato ga­mit ang 60-54 panalo sa National University Bulldogs sa unang laro.

ADAMSON

ARANETA COLISEUM

ATENEO

CAPACIO

GLEN CA

KIRK LONG

LA SALLE

MICO SALVA

NAGKAROON

NATIONAL UNIVERSITY BULLDOGS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with