^

PSN Palaro

Lady Stags, Pirates mag-uunahan sa buwenamanong panalo sa Shakey's V-League

- Ni Manuel Cinco-trainee -

MANILA, Philippines - Tatlong bigating laban ang na­katakdang maganap nga­yong araw sa pagbubukas ng telon ng ikalawang conference ng Shakey’s V-League Season 7 sa The Arena sa San Juan.

Unang magbabanggaan ang San Sebastian at Lyceum sa alas-2 ng hapon na susundan ng pukpukan ng Ateneo at FEU sa alas-4 habang tampok naman sa alas-6 ng ga­bing salpukan ang NU at St. Benilde.

Muling kinuha ng Lady Stags ang power-hitting Thailander na si Jeng Bualee upang lalo pang pa­lakasin ang kanilang atake la­ban sa Pirates.

Sa kanila namang pagkuha sa dalawang maaasahang guest player sa katauhan nila Mary Jean Balse at Dahlia Cruz, inaasahang bibigyan ng mga taga-Muralla ng matinding laban ang mga taga-Legarda na nag-aasam na angkinin ang korona ng season-ending conference ng ligang iniisponsoran ng Shakey’s Pizza.

Ang tambalang Balse at Cruz ang ipantatapat ng LPU sa tambalang Bualee at Roces ng SSC-R.

Susuportahan nila Joy Be­nito, Bonsai Mirasol, Dafna Ro­binos at Elaine Cruz ang Bualee-Roces tandem habang ang Balse-Cruz duo naman ay tutulungan nila Joy Cases, Jamie Peña at Nikki Tabafunda.

Uumpisahan naman ng La­dy Eagles ang kanilang tangka para sa kampeyonato laban sa Lady Tamaraws, isa pang ko­ponan na puno ng talent. Iba­bandera ng mga taga-Katipunan ang kanilang Thai import na si Surasawadee Boonyuen at si Alyssa Valdez.

Sasandig naman ang mga taga-Morayta sa beteranong sila Cherry May Vivas, Moni­que Tiangco, Rose Vargas at ka­nilang guest players na sila Rachel Anne Daquis at Michelle Carolino.

Ang baguhang National University naman ay sisimulan ang kanilang kampanya sa kanilang pagharap sa College of St. Benilde sa main game.

Kinuha ng Lady Bulldogs ang serbisyo ng magkapatid na Dindin at Jaja Santiago upang pangunahan ang kanilang pag-aasam na makapasok sa Final Four ng liga sa kanilang unang sabak.

Aasa naman ang Lady Bla­zers sa kanilang mainstays na sila Ren Agero, Giza Yumang, Rossan Fajardo kasama ang ka­nilang guest players na sila Jen Manzano at Zhar Velez.

vuukle comment

ALYSSA VALDEZ

BONSAI MIRASOL

CHERRY MAY VIVAS

COLLEGE OF ST. BENILDE

DAFNA RO

DAHLIA CRUZ

ELAINE CRUZ

FINAL FOUR

KANILANG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with