^

PSN Palaro

Heavy Bombers pinasabog ang Generals; Knights may panalo na rin

- Ni RC -

MANILA, Philippines - Dumiretso sa kanilang ikalawang sunod na arangkada ang mga Heavy Bombers, habang natikman ng Knights ang kani­lang unang panalo matapos ang 0-2 panimula.

Nalagpasan ng Jose Rizal Uni­versity ang pinasabog na 25 puntos ni Vergel Zulueta sa kabuuan ng fourth quarter para kunin ang 66-62 panalo sa Arellano University sa first round ng 86th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan.

Sa inisyal na laro, tinalo ng Letran College ang University of Perpetual Help-Dalta System, 87-69, tampok ang 21 puntos ni dating Altas guard Franz Dy­sam.

Magkasalo sa liderato ang nagdedepensang San Sebastian at San Beda mula sa mag­katulad nilang 3-0 rekord kasunod ang Heavy Bombers (2-1), St. Benilde Blazers (1-0), Mapua Cardinals (1-1), Arellano Chiefs (1-1), Knights (1-2), Altas (0-3) at Emilio Aguinaldo College Generals (0-3).

Mula sa 29-27 lamang sa first period, pinalobo ng Jose Rizal ni Vergel Meneses ang kanilang bentahe sa 37-27 sa 7:49 ng second quarter mula sa basket ni 6-foot-8 Cameroonian Joe Etame.

Ipinoste ng Mandaluyong-based cagers ang isang 15-point lead, 48-33, sa 1:13 ng third canto hanggang mailapit ni Zulueta, dating San Sebastian Staglet, ang Arellano ni Leo Isaac sa 60-64 sa huling 28.9 segundo.

“Kailangan hindi kami maging complacent kapag lumamang kami ng malaki,” sabi ni Meneses sa kanyang Heavy Bom­bers, humugot ng dalawang split kina Gilbert Bulangis at Marvin Hayes sa natitirang 12.1 at 4.0 segundo para sa kanilang panalo.  

Letran 87- Dysam 21, Cortes 16, Ke. Alas 14, Belorio 11, Belencion 11, Kr. Alas 8, Taplah 3, Pantin 3, Rodil 0, Almazan 0.

Perpetual Help 69- Vidal 17, Danganan 15, Allen 15, Alano 14, Ynion 4, Sumera 2, Arboleda 2, Kintanar 0, Asuncion 0, Elopre 0.

Quarterscores: 16-18; 42-43; 64-53; 87-69.

Jose Rizal 66- Kabigting 19, Etame 12, J. Lopez 8, Almario 7, Apinan 6, Hayes 5, Bulangis 3, M. Lopez 2, Njei 2, Matute 2.

Arellano U 62- Zulueta 30, Celada 9, Lapuz 6, Casino 5, Ciriacruz 4, del Rosario 2, Caperal 2, Tayongtong 2, Anquilo 2,.

Quarterscores: 66-62; 14-10; 29-27; 50-35; 66-62.

ALTAS

ARELLANO CHIEFS

ARELLANO U

ARELLANO UNIVERSITY

CAMEROONIAN JOE ETAME

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GENERALS

FRANZ DY

GILBERT BULANGIS

HEAVY BOMBERS

JOSE RIZAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with