^

PSN Palaro

May maitutulong si Jawo sa PSC

AMBETHABOL - Beth Repizo Meraña -

Inaasahan natin ang mas Mahusay na relasyon sa Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission, sakali nga na si Robert Jaworski ang mamumuno sa PSC.

Nang mahalal kasi si Noynoy Aquino bilang Pangulo ng Pilipinas, lutang agad ang pangalan ni Jaworski bilang mamumuno sa PSC.

Inaasahang pagtutuunan agad ng pansin kung paano ang magi­ging istilo ni Jawo sa pagma-manage ng naturang sports agency.

Malaki ang matitutulong ng malawak na karanasan ni Jawo sa sports at politika. Alam na alam niya ang takbo ng dalawang mundo ito. Isa pang bentahe ay ang pagiging malapit sa Pangulo ng Pilipinas. Siya ay isa sa maituturing na kamag-anak ni PNoy dahil sa manugang niya si Mikee Cojuangco na pinsan ni PNoy.

Inaasahan natin na kung maluluklok si Jawo sa government sports agency, magkakaroon ng boses ang maliit o malaking sports personalities at atleta. Pero since wala pa si Jawo, eto naman at na­mumroblema ang PSC sa mga ipadadala sa 16th Asian Games sa darating na Nobyembre 12-27.

Dahil wala pa ang pormal na turnover, mapipilitan ang kasaluku­yang namumuno na si Harry Angping na makipag-usap sa POC.

Pero hindi ba’t noon pa man na maiproklama si PNoy, ay dapat na naisaayos na yan. Lalo na ngayon na nasa transition period ang lahat ng government agency, balita ko nga ay wala daw CESO o Ci­vil Executive Service Official ang PSC, Paano na yan?

* * *

Pero teka muna, sino ba itong deputy executive director daw ng PSC na lumabo ang mga mata at tila hindi nakakaintindi ng ingles ng ilabas ang memorandum circular 01 ng Malacañang. Ito yung memo tungkol sa pagtatanggal sa mga hindi CES o CESO na opisyal ng gobyerno.

Pilit daw ini-interpret ng naturang DED ang memo sa sarili niyang pagkakaalam. Kapit tuko talaga sa posisyon.

* * *

Mahigpit na ipapatupad ang officiating sa 73rd season ng UAAP men’s basketball competition.

Ito ay dahil na rin sa matindi ang kompetisyon ngayong taon. Hindi naman kaila sa lahat na all-out ang mga member universities ng UAAP sa kanilang build up para sa darating na season.

Sabi ni Ato Badolato, ang UAAP commissioner, hindi siya ma­ngingiming patawan ng parusa o suspendihin ang sinumang game official na hindi magagampanan ng maayos ang trabaho o makakagawa ng krusyal na pagkakama­ling maaaring makapagdikta sa kalalabasan ng laro.

Ibig sabihin ay dapat na listo ang lahat ng game official.

Ngayong taon ay gagamitin ng liga ang serbisyo ng mga referees mula sa Philippine Basketball League at Samahang Basketbol ng Pilipinas.

Maging ang mga fan at game supporter ay hindi rin ligtas sa mga bagong patakaran ng UAAP, Ayon kasi kayBro. Bernie Oca, FSC ng season-host La Salle na mayroon din silang code of conduct para sa lahat ng mga supporters ng mga paaralan.

Sabi ni Bro. Oca, puwede naman ang mag-cheer para sa mga sinusupor­tahan nilang school, pero may limitasyon tulad nang pagmumura. Madalas kasi ito ang pinagmumulan ng away ng magkaribal na schools.

Sinabi pa ni Badolato na gagamitin nila ang FIBA rules sa page-evalute ng mga mga technical at flagrant fouls. Ibig sabihin nito, ang sinumang manlalaro na mapapatawan ng dalawang technical o flagrant foul sa isang laro ay awtomatikong mapapatalsik.

Tiyak na mapupuno naman ang mga UAAP venues sa pagsiklab muli ng UAAP games. Ang unang laro ay sa Sabado sa Big Dome tampok ang laban ng La Salle at UP sa alas-dos ng hapon habang main-game sa alas-kuwatro ang salpukan ng UST at UE Red Warriors.

ASIAN GAMES

ATO BADOLATO

BERNIE OCA

BIG DOME

JAWO

LA SALLE

PERO

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with