^

PSN Palaro

PNoy pinagmamadali na ni Peping sa paghirang ng PSC chairman

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Sadyang hindi na makapag­hintay si Philippine Olympic Committee (POC) president Jose “Peping” Cojuangco, Jr. kaugnay sa magiging desisyon ng kanyang pamangkin na si President Benigno “Noynoy” Aquino III ukol sa iluluklok na bagong chairman ng Philippine Sports Commission (PSC).

Nagtungo kahapon si Cojuangco sa Malacañang upang talakayin ang “organizational matters” sa PSC, ayon sa isang Palace official na kinumpirma naman mismo ni Executive Secretary Pa­quito Ochoa.

“He just wanted to discuss something about the PSC,” sabi ni Ochoa matapos ang idinaos na red mass sa Manila Cathedral.

Matatandaang ipinangako ni Cojuangco sa kanyang mga ka­samahan sa POC na tiyak nang magbababa ng desisyon si Pangulong Aquino ngayong linggo para sa papalit kay chairman Harry Angping sa PSC.

Sapul nang iluklok ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo si Angping noong Peb­rero ng 2009 bilang kapalit ni William “Butch” Ramirez ay hindi na tinantanan ni Cojuangco ang dating Manila Congressman.

Ito ay dahil na rin sa pagi­ging chief campaigner ni dating Pre­sidential half-brother Art Macapagal ng shooting association sa nakaraang POC presidential election kung saan muling nanalo si Cojuangco.

Kamakalawa ay sinamahan naman ni Ochoa sa Malacañang sina dating PSC Commissioner Ritchie Garcia, ang kasalukuyang PSC Commissioner na si Akiko Thomson at dating tennis association chief Buddy Andrada.

Ang tatlo ang sinasabing pinagpipilian ni Pangulong Aquino para sa sports agency.

AKIKO THOMSON

ART MACAPAGAL

BUDDY ANDRADA

COJUANGCO

COMMISSIONER RITCHIE GARCIA

EXECUTIVE SECRETARY PA

HARRY ANGPING

MALACA

OCHOA

PANGULONG AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with