^

PSN Palaro

SSC, Lyceum belles paborito sa Shakey's V-League

- Ni Manuel Cinco -

MANILA, Philippines - Anim na linggo matapos angkinin ng UST ang titulo ng unang conference, tatlong bigating laban agad ang bubungad sa pagbubukas ng ikalawang conference ng Shakey’s V-League Season 7 sa Linggo, sa Hulyo 11 sa The Arena sa San Juan.

Unang magsasalpukan ang heavy favorites San Sebastian at Lyceum sa opening match habang susundan naman ito ng banggaan ng Ateneo at FEU at tampok na laro ang College of St. Benilde at ang newcomer National University.

Sa pagliban ng defending titlists UST, tinuturing na paborito para sa kampeonato ngayon ang Lady Stags na naghahangad ng kanilang ikalawang titulo sa ligang inor­ganisa ng Sports Vision at sa pakikipagtulungan ng Accel, Mikasa at Mighty Bond.

Ang pagliban din ng Tigresses ay muntik ng magbigay ng problema para sa liga dahil sa malaking puwang na ini­wan ng koponan ngunit ito’y naresolba dahil na rin sa pagpasok ng NU at ng Perpetual.

Pagbibidahan nila power hitters Joy Benito, Dafna Robiños, Elaine Cruz, Melissa Mirasol, Jennelyn Belen at guest player ang atake ng mga taga-Legarda habang sasandig naman ang Intramuros-based Lyceum kila guest players Mary Jean Balse at Dahlia Cruz kasama sina open hitters Joy Cases at Jamie Rose Peña, liberong si Carmela Morales at setters na sila Ann Tabafunda at Angelique Alcantara.

Ang top six teams matapos ang single round robin eliminations ang papasok sa quarter final round na kung saan magkakaroon muli ng isa pang single round upang madetermina ang top four teams na maghaharap naman sa best-of-three semifinals series.

ANGELIQUE ALCANTARA

ANN TABAFUNDA

CARMELA MORALES

COLLEGE OF ST. BENILDE

DAFNA ROBI

DAHLIA CRUZ

ELAINE CRUZ

JAMIE ROSE PE

JENNELYN BELEN

JOY BENITO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with