^

PSN Palaro

Ascof Lagundi puntirya ang panalo vs Taguig

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Sisikapin ng Ascof Lagundi na mapag-init agad ang kampanya sa kanilang hosting ng fifth leg ng Tournament of the Philippines (TOP) mula ngayon sa Emilio Aguinaldo College Gym sa Manila.

Ang Cough Busters ay masusukat sa bagong salang na Forward Taguig sa tampok na laro na sisimulan matapos ang opening ceremony ganap na alas-2 ng hapon.

Unang labanan ay sa pagitan ng MP Pacman-Gensan laban sa Cobra Ener­gy Drink na kapwa ma­ngangailangan ng pa­nalo para manatiling palaban sa hangaring leg finals.

Hindi maglalaro ang team owner ng Warriors na si boxing icon Manny Pacquiao pero ang naka­babatang kapatid na isa ring boksingero na si Bobby Pacquiao ay kasamang sasabak sa Ironmen na hangad na bumangon buhat sa kawalan ng panalong nakuha sa 3rd leg sa Laguna.

Sentro ng aksyon ay sa Ascof Lagundi na hangad ang titulo sa hosting matapos ang dalawang runner-up na pagtatapos sa first leg na pinagharian ng ML Kwarta Padala-Cebu at 3rd leg na dinomina ng host Treston Laguna.

Ang suportang ibibigay ng kanilang home crowd ang siyang sasandalan ni coach Carlo Tan upang mapataas ang morale ng kanyang manlalaro partikular na sa huling yugto na kung saan nasa ikatlong puwesto sila base sa puntos na nakuha ng Ascof na 17.

ANG COUGH BUSTERS

ASCOF LAGUNDI

BOBBY PACQUIAO

CARLO TAN

COBRA ENER

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GYM

FORWARD TAGUIG

KWARTA PADALA-CEBU

TOURNAMENT OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with