^

PSN Palaro

Termino ni Angping at PSC commissioners pinalawig pa

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Dahil sa pagbawi ng naunang memorandum circular ng Malacañang, makikita pa rin sina chairman Harry Angping at Com­missioners Eric Loretizo, Fr. Vic Uy, Joey Mundo at Akiko Thompson sa Philippine Sports Commission (PSC) hanggang Hulyo 31.

Sa inilabas na one-page circular na ini­labas ng Malacañang kamakailan, idi­neklara nitong bakante ang lahat ng top government positions na inokupahan ng mga iniluklok ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na hindi mga career service executive officers (CESOs).

Ngunit ito ay binawi rin ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. kasabay ng pagpapahaba ng termino ng mga ito hanggang Hulyo 31

Sinasabing patatapusin ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang termino ng naturang mga sports officials hanggang sa katapusan ng buwan bago maglagay ng mga papalit sa kanila sa sports agency.

Opisyal na nagtapos ang termino nina Angping, Loretizo, Uy, Mundo at Thompson noong Hunyo 30.

Si Angping, dating kinatawan ng Maynila sa Kongreso, ay ipinalit ni Arroyo kay William “Butch” Ramirez sa PSC noong Pebrero ng nakaraang taon.

Hindi tinantanan ni Philippine Olympic Committee (POC) president Jose “Pe­ping” Cojuangco, Jr., tiyuhin ni Presidente Aquino, si Angping sapul nang maupo ito sa sports agency.

Subalit walang reklamo ang da­ting softball association head kay Cojuangco

“We had some misunderstanding during my term but nothing personal,” ani Angping sa kampo ni Cojuangco, tiyuhin ni Aquino. “But I would like to thank them. They will always remain as my friends as well as the presidents of the National Sports Asociations.”

AKIKO THOMPSON

ANGPING

AQUINO

BUT I

COJUANGCO

ERIC LORETIZO

EXECUTIVE SECRETARY PAQUITO OCHOA JR.

HARRY ANGPING

HULYO

JOEY MUNDO

MALACA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with