Tigers wagi sa 1st round ng wildcard
MANILA, Philippines - Makakahinga na ng maluwag si Bo Perasol, sa ngayon.
Nakahugot ng game-high 32 points kay Gary David, tinalo ng Coca-Cola ang Sta. Lucia, 100-84, sa playoff sa wildcard phase ng 2009-2010 PBA Fiesta Conference kahapon sa Araneta Coliseum.
Ang mananalo sa pagitan ng Rain or Shine at Air21 ang siyang makakatapat ng Coke sa ikalawa at huling knockout game na dedetermina kung sino ang makakaharap ng naghihintay na Derby Ace sa best-of-five quarterfinals series.
“I have to give it to Gary, minsan erratic siya but you cannot question his will to lift up his team,” sabi ni Perasol sa dating standout ng Lyceum of the Philippines.
Matapos kunin ang first half, 45-40, pinalobo ng Tigers ang kanilang lamang sa 18 puntos, 58-40, sa likod nina David, import Anthony Williamson at Mark Macapagal patungo sa 71-57 pagbaon sa Realtors sa pagsasara ng third period.
“We are trying to prefer ourselves for this,” sabi ni Perasol kay Williamson. “I think he’s gotten himself involved in our system like defending, rebounding, assisting. He’s not flashy pero kung kailangan nandun s’ya.”
- Latest
- Trending