^

PSN Palaro

Reyes, Corteza umahon sa loser's bracket, pasok sa last 64

-

MANILA, Philippines - Pinangunahan nina pool legend Efren “Bata” Reyes at Lee Vann “The Slayer” Corteza ang kampanya ng mga FilipIno sa 2010 World Pool Championships sa Qatar Billiards and Snooker Federation hall sa Doha, Qatar.

Ito ay matapos talunin ng 55-anyos na si Reyes si Ihab Hassan ng Egypt, 9-0, upang makasama sa 15 pang Pinoy cue masters sa Last 64.

Si Reyes ay nanggaling sa loser’s bracket upang buhayin ang kanyang tsansa para sa nakalatag na $36,000 premyo.

Susunod na bibiktimahin ni Reyes si Johnny Archer. Binigo naman ni Corteza si Mohanna Obaidly ng Qatar, 9-3, para makaabante sa Last 64. Makakasukatan ni Corteza sa Last 64 si Tony Drago.

Maliban kina Reyes at Corteza, ang iba pang nagposte ng kani-kanilang panalo ay sina Antonio “Ga-Ga” Gabica at Jeffrey “The Bull” de Luna.

Umabante rin sa naturang $250,000 event sina Dennis Orcullo, Ronato Alcano, Antonio Lining, Venancio Tanio, Allan Cuartero, Francisco Felisilda, Raymund Fa­raon, Oliver Medenilla, Israel Rota, Venancio Tanio, Marlon Manalo at Joven Alba.

Sa Last 64, sasagupain ni De Luna si Chang Jung-lin; haharapin ni Felisilda si Bashar Hussain; makakatapat ni Faraon si Artem Koshovoj Ukraine at lalabanan ni Ma­nalo si Lu Hui Chan.

Makakaharap naman ni Alba si Shane Van Boening; makakasubukan ni Francisco “Django” Bustamante si Oliver Ortmann at tatapatan ni Medenilla si Yukio Aka­kariyama.

Si Lining ang sasagupa kay Lee Poh Soon; makakalaban ni Orcullo si Bruno Muratore; hahamunin ni Tanio si Ralf Souquet; kakaharapin ni Allan Cuartero si Nick Van Den Berg; makakatipan ni Ronato Alcano si Muhammad Zulfikri; magkikita sina Israel Rota at Jason Klatt; at maglalaban sina Gabica at Craig Osbome.

ALLAN CUARTERO

ANTONIO LINING

ARTEM KOSHOVOJ

BASHAR HUSSAIN

BRUNO MURATORE

CHANG JUNG

CORTEZA

ISRAEL ROTA

REYES

RONATO ALCANO

VENANCIO TANIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with