Pinay paddlers nagsasanay na para sa Asiad
MANILA, Philippines - Matapos makilahok sa kakatapos lamang na Macau at China International Dragon Boat Races, nagsisimula ng magsanay ang Philippine Dragon Boat National Women’s Team para sa gaganaping Asian Games sa Nobyembre.
Nagtapos sa second spot ang Philippine Dragon Boat National Women’s Team sa unang kompetisyon sa Macau, sumunod sa China sa 500m race.
Inuwi naman nila ang dalawang bronze medal sa 1,000 at 250 meter race at isang silver medal sa 500 meter event sa ikalawang kompetisyon na kanilang nilahukan sa Zhouqing, China matapos nilang maghiganti sa mga Chinese teams na tumalo sila sa Macau.
Nais ng Philippine Women’s Dragon Boat Team na mabasag ang record time ng China upang maibigay sa bansa ang pinaka-aasam na gintong medalya sa Asian Games.
Itinatag noong 1997, ang Philippine Dragon Boat National Women’s Team ay binubuo ng mga babaeng atleta kabilang ang kauna-unahang Pinay na naka-akyat sa Mount Everest.
Ang Philippine Dragon Boat National Women’s Team ay suportado ng PHILMEX Mining Corp., at ng Spyder Eyewears and Sports Gear.
- Latest
- Trending