Buwenamano sa GenSan, MisOr
MANILA, Philippines - Hiniya ng MP Pacman Gensan ang host Mandaue, 68-65, upang tabunan ang pagdodomina ng Misamis Oriental sa ANI-FCA sa pagbubukas ng fourth leg ng Tournament of the Philippines (TOP) nitong Martes sa Mandaue City Cultural and Sports Centre.
Isinantabi ng Warriors ang maagang pamamayagpag ng Land Masters at ang 6 of 26 shooting sa free throw line nang gamitan nila ng matinding trapping defense ang katunggali para masaluhan ang Meteors sa liderato sa 1-0 karta.
Wala ang boxing icon at team owner Manny Pacquiao pero inspiradong nakipaglaban pa rin ang Warriors lalo na sa fourth period na kung saan nahiritan nila ng walong errors ang Land Masters na nakaiskor lamang ng katiting na walong puntos.
Bunga nito ay nasayang ang naunang naipundar na pinakamalaking kalamangan na 37-23 sa pangalawang yugto at 57-46 matapos ang tatlong yugto na ikinadismaya ng mga tagahanga.
Si Louie Medalla ang siyang tumayong bida nang maisalpak ang tres matapos ang isang error ng Mandaue na nagbigay ng kalamangan sa bisitang koponan, 67-65.
Sumandal naman ang Meteors sa malakas na pagtatapos sa second period upang tuluyang makuha ang momentum at maiwanan ang Cultivators para sa 96-72 tagumpay sa unang laro.
MisOr--96 Raneses 18, Cabahug 17, Daa 14, Saldua 14, Taganas 11, Tagupa 11, Lucernas 4, Misa 2, Moreno 2, Andaya 2, Morial 1.
ANI-FCA-72 Sena 15, Luanzon 9, Mirza 8, Membrere 8, Hugnatan 6, Arao 5, Saguindel 4, Custodio 4, Cagoco 3, Dizon 3, Te 3, Bautista 2, Berry 2,
Quarterscores: 21-19, 44-34, 68-57, 96-72
MP Pacman Gensan - 68 Nicdao 14, Medalla 9, Gonzaga 7, Sagad 6, Parreno 6, Farochilen 5, Callo 5, Omandam 4, Bucao 4, Coronado 3, Daja 3, Yambao 2, Concepcion 0
Mandaue - 65 Laygo 13, Magdadaro 12, Caputolan 8, Latonio 6, Larong 5, Ursal 4, Zanoria 4, Gerilla 4, Dennison 4, Diputado 3, Berami 2, Villaver 0, Gabas 0, Gavina 0
Quarterscores:16-24, 28-39, 46-57, 68-65.
- Latest
- Trending