^

PSN Palaro

Matitinding shooters, naiibang basketball philosophy kulang sa Smart Gilas-Lipa

- Ni RC -

MANILA, Philippines - Mga matitinding shooters at naiibang basketball philosophy.

Ito ang nakikita ni dating na­tional head coach Joe Lipa na kakulangan sa Smart Gilas Pilipinas na naghahanda para sa darating na 16th Asian Games sa Guangzhou, China sa Nobyembre.

“I think we have to have more shooters and play an entirely different philosophy,” sabi ni Lipa sa Nationals ni Serbian mentor Rajko Toroman.

Tatlong mga outside shoo­ters lamang ang ibinabandera ng Smart Gilas. Ito ay sina Chris Tiu, JV Casio at Mac Baracael.

Nasa shaded lane naman ang mga patpating sina 6-foot-9 Japeth Aguilar, 6’10 Greg Slaughter, 6’7 Jason Ballesteros at 6’6 Aldrech Ramos.

At upang mapalakas ito, hi­nugot ni Toroman si 6’10 American Marcus Douthit para maging ‘naturalized player’ na inaasahang maipaparada ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa 2010 Guangzhou Asian Games.

Para kay Lipa, hindi niya inaayunan ang naturang aksyon ng SBP at ni Toroman.

“I always believe that it should be home-grown talents. We have local players who are competitive and can compete against the best in Asia,” sabi ni Lipa, gumiya sa RP Team sa bronze medal finish noong 1986 Asian Games.

Inaasahan naman ni Toroman na mapapabilis ang pro­seso para sa naturalization pro­cedure ng 30-anyos na si Douthit.

Unang kinuha ng Smart Gi­las si CJ Giles kasunod si Jamal Sampson at ang huli ay si Serbian Milan Vucicevic.

Sa panalo ng Nationals sa Jordanians sa finals ng 2010 Smart Philippine Invitational Challenge noong Linggo sa Ninoy Aquino Stadium, tumapos si Douthit na may 10 points at 11 rebounds.

Makakasama si Douthit sa Smart Gilas sa pagsabak sa 32nd William Jones Cup sa Taipei ngayong Hulyo.

ALDRECH RAMOS

AMERICAN MARCUS DOUTHIT

ASIAN GAMES

CHRIS TIU

DOUTHIT

GREG SLAUGHTER

GUANGZHOU ASIAN GAMES

JAMAL SAMPSON

SMART GILAS

TOROMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with