Angping positibo sa 2010 Asian Games

MANILA, Philippines - Bagamat malayo pa rin sa bronze medal standard, p­ositibo pa rin si outgoing Philippine Sports Commission (PSC) chairman Harry Angping sa magiging kampanya ng mga national athletes sa 16th Asian Games sa Guangzhou, China sa Nobyembre.

“Some of them are not meeting the criteria, but we will pull some surprises in taekwondo, in chess, in bil­liards,” sabi ni Angping. “Ang secret weapon naman natin ang dancesports. We will probably win in the non-tradtional sports.” 

Ang mga sports events na sinabi niyang paghuhugutan ng mga gold medals ay ang boxing, taekwondo, wushu, billiards and snoo­ker, chess, swimming, lawn tennis at bowling.

Ang mga itinuring ng sports agency na ‘elite athletes’ ay sina Tshomlee Go at Mary Antoinette Ri­vero ng taekwondo, Miguel Molina at Daniel Coakley ng swimming, Marestella Torres ng athletics, Rubilen Amit ng billiards, Wesley So, Joey Antonio at Darwin Laylo ng chess, Marna Pabillore ng karatedo, Reneric Moreno ng sailing, Treat Conrad Huey at Cecil Mamiit ng lawn tennis at Biboy Rivera ng bowling.

Idinagdag ni Angping sa grupo sina taekwondo jins Japoy Lizardo at Marlon Avenido na tatanggap rin ng monthly allowance na P20,000 bukod pa ang inter­national exposure mula sa PSC.

Maliban sa mga miyem­bro ng national pool, kulang pa rin ang ipinapakita ng mga nasa ‘elite list’ ng PSC.

Sa nakaraang Asian Ga­mes sa Doha, Qatar noong 2006, tumapos ang mga Filipino athletes bilang 18th-placer mula sa naiuwing apat na gold, anim na silver at siyam na bronze medals.

Nauna nang inihayag ni Angping na maaaring makakuha ang delegasyon ng 10 gintong medalya sa 2010 Guangzhou Asiad.

Show comments