^

PSN Palaro

Baseball All Star Game itinakda sa July 4

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Masasagot ang katanungan kung ang kasaluku­yang national team sa baseball ang pinakamaga­ling na manlalaro ng bansa sa idaraos na Baseball Philippines All Star Game.

Ang laro ay itinakda sa Hulyo 4 sa Alabang Country Club baseball field at ito ang kontribusyon ng Community Sports Inc. sa paggunita ng Fil-American Friendship Day.

Mismong si US Ambassador Harry K. Thomas Jr. ang siyang inimbitahan upang dumalo sa laro at siyang magsagawa ng ceremonial pitch sa ganap na alas-8:30 ng umaga.

Matapos ito ay magta­tagisan ang dalawang koponan na binubuo ng mga kasalukuhang pambato sa baseball laban sa mga potensiyal na maging national players.

Ang Team I ay hahawakan nina Batangas at Cebu Team Managers na sina Randy Dizer at Isaac Bacarisas at pamumunuan ng mga national pitchers na sina Ernesto Binarao, Joseph Orillana, Charlie Labrador at Darwin Dela Calzada.

Makakasama nila sina Andro Cuyugan, Virgilio Roxas, Fernando Recto, Ri­zel Santos, Edmer Del Socorro, Jonash Ponce, Fulgencio Rances, Francis Canlas, Rommel Roja, Nino Tator at Chris Canlas na pawang mga ikinokonsi­dera para lumaban sa Asian Games sa Guangzhou, Chi­na sa Nobyembre.

Sina Manila at Alabang team manager Jhoel Palanog at Jimmy Pani­nga­san ang magtutulong para sa Team II na pamumunuan ng mga UAAP standout pitchers Romeo Jasmine, Vladimir Eguia at Justin Payongayong.

Isinama rin sa koponan ang dating national team player at Czech Republic baseball league veteran Jon Jon Robles bukod pa kina Emil Dimatulac, Alen Dizon, Ronald Bocalan, Kelly Culubong, Matt Laurel, Miggy Corcuerra, Bambon Servo, Song Chung Wang, Joseph Apura at Jeffrey Ardio.

ALABANG COUNTRY CLUB

ALEN DIZON

AMBASSADOR HARRY K

ANDRO CUYUGAN

ANG TEAM I

ASIAN GAMES

BAMBON SERVO

BASEBALL PHILIPPINES ALL STAR GAME

CEBU TEAM MANAGERS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with