Team Woman Run sisikad ngayon

MANILA, Philippines - Mahigit sa 1,500 na mananakbo, kabilang ang mahigit kumulang 90 squads na kasali sa team competition ang tatakbo para sa kauna-unahang Team Woman Run na gaganapin ngayon sa Venice Piazza Mall sa McKinley Hill sa Taguig City.

Aabot sa P200,00 ang nakalaang papremyo sa tampok na four-woman team realy event na ihahandog ng Lactacyd. Ang naturang event ay may distansya na aabot sa 21 kilometro o katumbas ng kalahating marathon. Ang four-woman relay ay magsisimula sa 10 kilometers patungo sa 5 kilometers hanggang sa huling dalawang yugto ng kompetisyon na may distansyang tatlong kilometro.

Ang magiging first placer ay makakatanggap ng halagang P70,000 habang ang magiging runner-up naman ay may P35,000 at ang third placer ay may P20,000 na inorganisa ng EventKing sa pakikipagtulungan ng 100 Plus, Alaska Slim, Beauty Bar, Bluewater Day Spa, David’s Salon, Dole, Summit at Timex at media partners Multisport, Runnerspeak and Women’s Health. 

Show comments