SMBeer sumeguro ng playoff sa outright semis
MANILA, Philippines - Hihintayin na lamang ng mga Beermen kung may makakatapat sila sa playoff para sa ikalawa at huling outright semifinals berth.
Nagpundar ng isang 13-point lead sa first half, binigo ng nagdedepensang San Miguel ang Alaska, 85-74, sa second round ng 2009-2010 PBA Fiesta Conference kahapon sa Lamberto Macias Sports Center sa Dumaguete City.
“My players showed a lot of energy, a lot intensity, a lot of hustle,” ani coach Siot Tanquingcen sa kanyang Beermen. “We want to have our destiny in our control. We’ll just see what happens.”
Itinaas ng San Miguel ang kanilang rekord sa 13-5 sa ilalim ng semifinalist Talk ‘N Text (15-3) kasunod ang Derby Ace (12-5), Alaska (11-7), Barangay Ginebra (9-9), Coca-Cola (8-9), Rain or Shine (8-9), Sta. Lucia (5-13), Air21 (4-14) at Barako Coffee (3-14).
Kinuha ng Beermen ang 27-20 abante sa first period mula sa isang acrobatic shot ni Joseph Yeo patungo sa 37-24 pagbaon sa Aces sa 4:35 ng second quarter galing sa basket ni Danny Ildefnso.
Samantala, pag-aagawan naman ng Tigers at Elasto Painters ang isang playoff berth sa kanilang banggaan ngayong alas-4 ng hapon kasunod ang salpukan ng Llamados at Coffee Masters sa alas-6:30 ng gabi sa Araneta Coliseum.
Ang mananalo sa pagitan ng Coke at Rain or Shine ang siyang hahamon sa Ginebra sa isang playoff para sa pangatlo at huling outright quarterfinals ticket.
- Latest
- Trending