^

PSN Palaro

Sharks, Dolphins pakay ang finals

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Pangatawan ang pagi­ging number one at two seeds ang nais gawin ng Manila at Cebu sa pagsisimula ng Playoff sa Dunkin’ Donuts Baseball Philippines Series VI ngayon sa Felino Marcelino Memorial Stadium sa Taguig City.

Tinapos ng Sharks at Dolphins ang single round robin tangan ang 4-1 panalo-talo karta para maisubi ang mahalagang twice to beat advantage sa semifinals.

Nakuha lamang ng Manila ang number one seeding sa bisa ng 8-7, panalo sa Cebu.

Kalaban ng Sharks na pumangalawa sa Series V, ang number four team na Alabang (2-3) sa ganap na alas-9 ng umaga bago sundan ng pagtutuos ng Cebu at number three Batangas (3-2) dakong ala-1 ng hapon.

Dinurog ng Manila ang Alabang sa natatanging pagkikita, 15-7, upang ma­ging patok sa hanga­ring makaabante agad sa Finals.

“Hindi kami nagkukum­piyansa. Alam naman natin ang nangyari sa amin sa laro sa Pampanga. Kaya ka­ilangang focus ang isipan ng mga bata,” wika ni Manila team manager Jhoel Palanog.

Ang bagitong koponan na Pampanga ang natata­nging koponan na nagpa­tikim ng kabiguan sa Sharks, 5-7.

Bentahe naman ang Cebu sa nagdedepensang Bulls matapos ang 11-8 pa­nalo na kinuha sa huling laro noong Linggo.

ALABANG

ALAM

CEBU

DONUTS BASEBALL PHILIPPINES SERIES

FELINO MARCELINO MEMORIAL STADIUM

JHOEL PALANOG

PAMPANGA

SERIES V

SHY

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with