^

PSN Palaro

China 'di umubra sa Talk N Text

- Ni Manuel Cinco-trainee -

MANILA, Philippines - Nagtala si reinforcement Shawn Daniels ng double-double performance sa kanyang 14 points at 10 re­bounds upang pamunuan ang early PBA semi-finalists Talk N Text sa 75-68 panalo laban sa Dongguan ng Chi­na sa 2010 Smart Philippine Invitational Challenge kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.

Nagdagdag naman sila locals Ranidel De Ocampo at Mac Cardona ng 13 at 10 points, ayon sa pagka­ka­sunod.

Matapos mapanatiling dikit ng Leopards ang laban hanggang sa simula ng pay-off period, nagposte ng sampung puntos na ka­lamangan ang bataan ni Chot Reyes, 66-56 may 5:49 pang nananatili sa la­ban at hindi na muling lumingon pa pabalik sa koponan na minamanduhan ni Australian mentor Brian Goorjian.

Binalikat ni American import Allen Ronald ang Dongguan Leopards sa kan­yang 18 points at siyam na rebounds habang may tig-11 sina Li Muhao at Feng Qi.

Ito na ang ikalawang su­nod na pagkatalo ng Leo­pards mula sa local teams ng Pilipinas.

Samantala, mag­ha­ha­rap ngayong sabado ang Smart Gilas at Ginebra Kings sa pambungad na laro habang muling sasalang sa hard court ang Leopards at Jordanian National Team sa main game.  

Talk N’ Text 75- Daniels 14, de Ocampo 13, Cardona 10, Carey 8, Dillinger 8, Castro 7, Quinahan 7, Reyes 4, Yee 2, Aban 2, Waters 0, Alapag 0.

Dongguan 68- Ronald 23, Feng 14, Li 7, Gu 7, Sun 6, Chen 5, Liu 3, Chang 3, Song 0.

Quarterscores: 19-18; 39-34; 58-54; 75-68.

ALLEN RONALD

BRIAN GOORJIAN

CHOT REYES

DONGGUAN

DONGGUAN LEOPARDS

FENG QI

GINEBRA KINGS

JORDANIAN NATIONAL TEAM

LI MUHAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with