^

PSN Palaro

Rain or Shine nabuhayan nang pag-asa, wagi sa Air21

- Ni RC -

MANILA, Philippines - Nang magtayo ang Ex­press ng isang 28-point lead sa third quarter, hindi nila akalain na makakaba­ngon pa ang Elasto Pain­ters upang agawin ang pa­nalo.

Isang buzzer-beating follow-up ni Ryan Araña ang gumabay sa Rain or Shine sa 113-111 pagtakas sa Air21 para buhayin ang kanilang tsansa sa isang playoff sa ikatlo at huling outright quarterfinals seat sa 2009-2010 PBA Fiesta Conference kahapon sa Araneta Coliseum.

“Actually, I have no idea,” sabi ng dating import ng Ginebra Gin Kings na si Rod Nealy, kinuha ng Elasto Painters bilang kapalit ni Jai Lewis, na hu­makot ng game-high 41 points, 16 re­bounds at 4 assists.

May 8-9 baraha ngayon ang Rain or Shine sa ilalim ng semifinalist Talk ‘N Text (15-3), nagdedepensang San Miguel (12-5), Derby Ace (12-5), Alaska (11-6) at Ginebra (9-8) kasunod ang Coca-Cola (7-9), Sta. Lucia (5-12), Air21 (4-14) at Barako Coffee (3-14).

Para makatulak ng play­off kontra Gin Kings sa nag-iisang outright quarterfinals ticket, kailangang talunin ng Elasto Painters ang Tigers sa Linggo.

Mula sa 34-24 lamang sa first period, ipinoste ng Express ang isang 28-point lead, 86-58, sa 4:31 ng third period sa likod nina import Leroy Hickerson at Ronjay Buenafe hanggang makalapit ang Asian Coatings franchise sa pagsasara nito, 78-95.

Isang 21-3 atake, tampok ang tatlong sunod na three-point shots ni Nealy, ang nagbigay sa Rain or Shine ng 99-98 abante sa 5:54 ng final canto bago naitabla ni Doug Kramer ang Air21 sa 111-111 sa hu­ling 19 segundo.

Rain or Shine 113 - Nealy 41, Mercado 19, Norwood 15, Arana 13, Chan 5, Reyes 5, Cruz 4, Laure 4, Tang 2, Ibanes 2, Telan 2,Hrabak 1.

Air 21 111 - Hickerson 34, Buenafe 21, Ritualo 11, Kramer 10, Alvarez 8, Mamaril 8, Gonzales 7, Williams 4, Belga 4, Matias2, Billones 2, Sharma 0, Arboleda 0.

Quarterscores: 24-34, 52-61, 78-95, 113-111.

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

ASIAN COATINGS

BARAKO COFFEE

DERBY ACE

DOUG KRAMER

ELASTO PAIN

ELASTO PAINTERS

FIESTA CONFERENCE

GIN KINGS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with