MANILA, Philippines - Iniwanan si Mac Cardona ng Talk ‘N Text, inagaw ni James Yap ng B-Meg Derby Ace ang pang apat na puwesto sa karera para sa Phoenix Petroleum-PBA Elims Top Performer Award.
Hawak pa rin ng tatlong Tropang Texters na sina Ranidel De Ocampo, Jimmy Alapag at Kelly Williams ang top three kasunod sina Yap, Cardona, Gary David ng Coca-Cola, LA Tenorio ng Alaska, Jay Washington at Arwind Santos ng San Miguel at Harvey Carey ng Talk ‘N Text.
Nagtala si De Ocampo ng average na 31.8 statistical points mula sa kabuuan niyang 540 SPs sa itaas ng 29.5 average (502 SPs) ni Alapag, 28.7 (488 SPs) ni Williams at 28.2 SPs average (451) ni Yap.
Maliban kay David na may average na 20.7 points per game, ang 17.9 ppg clip ni Yap ang pinakamataas sa top 20 players sa Top Performer derby. Mayroon rin siyang 2.9 rebounds per game at 1.9 assists.
Si De Ocampo ay naglista naman ng 16.1 ppg, 6.5 rpg, and 2.4 assists per game average kasunod sina Alapag 13.3 ppg, 2.3 rpg, at 7.4 apg.
Nagposte si Williams ng mga averages na 13.2 ppg, 7.8 rpg at 1.5 ppg para sa Tropang Texters.
Ang PBA Press Corps, pumipili sa Coach of the Year, Executive of the Year at Finals MVP, ang magbibigay ng Top Performer award sa unang araw ng wildcard stage para parangalan ang best player ng elimination round.