^

PSN Palaro

Ascof, Laguna nagpasiklab

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Nagpasabog ng walong pun­tos si Jonathan Uyloan ma­tapos makapanakot ang Cobra Energy Drink upang maiuwi ng Ascof Lagundi ang 104-100 pa nalo sa pagbubukas ng 3rd leg ng Tournament of the Philippi­nes nitong Martes sa Trace Col­lege Gym sa Los Banos, Laguna.

Hindi naman nag­­pahuli ang host Treston Laguna    ng duru­gin nila ang Man­daue-Cebu, 90-62, sa ikalawang laro upang makasalo sa liderato sa apat na koponang liga na pinagtutulungang i-organisa ng PBL at Liga Pilipinas.

 Lumayo sa 72-53 ang Ascof sa kalagitnaan ng ikatlong yugto pero kinailangan nila ang husay ni Uyloan matapos makadikit sa 88-87 ang Ironmen may 3:23 sa orasan sa pagbibida ni PJ Ba­rua.

“Hawak namin ang momentum pero nagrelax ang team. Suwerte lang at nailusot namin ang panalo,” wika ni coach Carlo Tan na nagnanais na higitan ang runner-up showing ng koponan sa 1st leg sa Manila.

Dalawang tres ang ibinagsak ni Uyloan upang itulak ang Cough Busters sa 96-90 kala­mangan at kahit nakahuling hirit pa ang Ironmen sa 102-100, ay ang 26 na Fil-Am pa rin ang si­nandalan nang maipasok ang dalawang free throws sa foul ni Rudy Lingganay na nagtiyak ng tagumpay kahit may anim na segundo pa sa orasan.

Tinapos ni Uyloan ang laba­nan taglay ang 14 puntos buhat sa 5 of 9 shooting, kasama ang 2 of 2 sa tres, para masuporta­han sina Bam Gamalinda at Sean Co.

Si Gamalinda ay may 19 pun­tos at 10 rebounds at si Co ay nag-ambag ng 14 puntos, 13 re­bounds at 6 assists.

Sinandalan naman ng Stallions ang mainit na paglalaro sa first half na kung saan gumawa sila ng 17 of 21 shooting sa 2-point field para maiwanan agad ang Landmasters.

Sa pangunguna ni Rob Sanz at JR Aquino ay nahawakan ng Stallions ang 48-28 kalamangan sa unang 20 minuto ng sagupaan bagay na hindi na nila bi­nitiwan tungo sa dominating panalo.

“Naibigay ni JR ang intensity na kailangan namin at tumakbo kami nang tumakbo sa kabu­uan ng laban. Sana ay hindi mag­bago ang ganitong paglalaro na­min,” pahayag naman ni coach Nomar Isla na hangad na mapag-ibayo ang ikatlo at ikaapat na puwestong pagtatapos sa unang dalawang leg.

Nagpatuloy ang aksyon nitong Miyerkules at pinaglabanan ng Ascof Lagundi at Treston Laguna ang unang puwesto sa leg finals.

 Ascof Lagundi 104--Gama­linda 19, Asoro 16, Uyloan 14, Co 14, Manuel 11, Aguilar 8, Taylor 7, Canlas 6, Lanete 5, Smith 4, Leynes 0, Labagala 0, Maliksi 0, Mangahas 0.

Cobra 102--Tecson 22, Barua 20, Llagas 16, Espiritu 13, Lingganay 11, Bagatsin 10, Nabong 4, Acuna 3, Canizares 1, Afable 0, Simpson 0.

Quarterscores: 32-22, 57-43, 78-65, 104-100.

 Treston Laguna 90--Sanz 24, Bocolon 12, Canizares 10, Musngi 8, Aquino 8, Losentes 7, Ricafuente 5, Mangahas 5, Mercado 3, Legaspi 3, Datang 3, Tolentino 2, Giorioso 0.

 Mandaue 62--Latonio 11, Gerilla 8, Dennison 8, Magdadaro 6, Zanorin 5, Gabas 4, Villaver 4, Ursal 4, Diputado 4, Bucao 2, Caputolan 2, Laygo 2, Berame 0

Quarterscores: 25-17, 48-28, 63-43, 90-62.

AQUINO

ASCOF LAGUNDI

BAM GAMALINDA

CANIZARES

CARLO TAN

COUGH BUSTERS

SHY

TRESTON LAGUNA

UYLOAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with