^

PSN Palaro

Texters balik sa porma

- Ni RC -

MANILA, Philippines - Matapos mapigilan ang kanilang franchise-best 13-game winning streak, muling nakabalik sa kani­lang porma ang semifinalist Tropang Texters.

Nagtayo ang Talk ‘N Text ng isang 28-point lead sa third period patungo sa kanilang 112-101 tagumpay laban sa nanganganib na Barako Coffee sa second round ng 2009-2010 PBA Fiesta Conference kahapon sa Araneta Coliseum.

 Kumolekta si Mac Cardona ng conference-high 28 points, tampok ang 11-of-16 fieldgoal shooting, para sa Tropang Texters bu­kod pa ang 5 rebounds at 5 assists.

Tinapos ng Talk ‘N Text ang eliminasyon mula sa kanilang 15-3 kartada sa itaas ng nagdedepensang San Miguel (12-5), Derby Ace (11-5), Alaska (11-6) Ginebra (9-8), Coca-Cola (7-9), Rain or Shine (7-9), Sta. Lucia (5-12), Air21 (4-13), Barako Coffee (3-14).

Muling makikita sa ak­syon ang PLDT franchise sa huling linggo ng Hulyo para sa pagsisimula ng semifinal round.

“Siyempre, sa practice pa lang dapat hindi mawala ‘yung intensity namin kahit na matagal pa kaming makakalaro ulit,” sabi ni Cardona, tumipa ng 13 marka sa first period para sa 31-21 bentahe ng Tropang Texters sa Coffee Masters.

Mula sa naturang lamang, pinalobo ng Talk ‘N Text sa 50-32 ang kanilang abante sa Barako Coffee mula sa basket ni import Shawn Daniels sa 4:49 ng second quarter.

Binuksan ng Tropang Texters ang third quarter buhat sa dalawang basket nina Cardona at Ranidel De Ocampo upang ibaon ang Cofee Masters, kailangang manalo sa Llamados sa kanilang huling laro at ipanalangin na matalo ang Express sa Elasto Painters para itakda ang kanilang playoff sa ikaapat at huling wildcard berth, sa 65-41, sa 11:13 nito.

Ipinoste ng Talk ‘N Text ang isang 28-point advantage, 84-56, laban sa Barako Coffee sa 3:28 ng naturang yugto galing sa dalawang freethrows ni Cardona.

 Nagdagdag si Daniels ng 17 points para sa Tropang Texters kasunod ang 16 ni Aaron Aban, 14 ni De Ocampo at 10 ni Harvey Carey, habang umiskor naman ng 19 si Leo Najorda para pamunuan ang Coffee Masters sa itaas ng tig-14 nina Aries Dimaunahan at Rob Wainwright.

Talk N’ Text 112 - Cardona 28, Daniels 17, Aban 16, De Ocampo 14, Carey 10, Yee 8, Quinahan 8, Castro 7, Dillinger 4, Waters 0, Alapag 0.

Barako 101 - Najorda 19, Dimaunahan 14, Wainwright 14, Monroe 11, Isip 10, Reyes 8, Gaco 5, Vergara 4, Alonzo 4, Juntilla 4, Duncil 4, Hubalde 4, Coronel 0.

Quarterscores: 31-21, 61-41, 92-63, 112-101.    

AARON ABAN

ARANETA COLISEUM

ARIES DIMAUNAHAN

BARAKO COFFEE

COFEE MASTERS

COFFEE MASTERS

DE OCAMPO

DERBY ACE

N TEXT

TROPANG TEXTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with