Naglalakihang premyo sa PSC chairman Angping Cup chessfest

MANILA, Philippines - Si Philippine Sports Commission (PSC) chairman Harry Angping ang magiging guest of honor sa pagsulong ng ikalawang PSC Chairman Angping Cup age-group rapid chess cham­pionships sa Huwebes sa PSC Canteen sa Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz, Manila.

Ibabahagi ni Angping ang kanyang inspirational remarks sa pang alas-2 ng hapon na opening ceremony ng naturang one-day, seven-round event bilang bahagi ng pagdaraos ng ‘Araw ng Maynila.”

Inaasahan ring pangungunahan ni Angping ang ceremonial move kasama si National Chess Federation of the Philippines (NCFP) president/chairman Prospero “Butch” Pichay.

Inimbitahan rin sa naturang okasyon si Manila Mayor Alfredo Lim.

Nakataya sa one-day tournament na hinati sa tatlong age categories ang mga trophies atcash prizes mula kay Angping.

Ang magkakampeon sa ba­wat kategorya ang tatanggap ng top prize na P20,000 at tropeo, habang ang runner-up at thrird-placer ay bibigyan ng P10,000 at P8,000, ayon sa pagkakasunod.

Show comments