Pascua sibak, Bernales wagi
CHENNAI, India - Natalo si Filipino Haridas Pascua sa isang higher-rated Indian opponent na tuluyan nang nagpatalsik sa kanya sa 2010 Asian Junior boys and girls championships dito sa Vijay Park and Business Hotel.
Ang seeded 17th sa 74-player, eight-nation tournament na si Pascua ay yumukod kay third seed IM Babu Lalith ng India sa sixth round na ikinahulog niya sa 19th hanggang 33rd places sa huling tatlong rounds.
Nakatipon ang tubong Mangatarem, Pangasinan na si Pascua ng 3.5 points mula sa kanyang 3 wins, 1 draw at 2 losses.
Makakaharap ni Pascua sa seventh round si No. 31 seed C.R.G. Krishna ng India.
Natalo si Krishna sa kanyang kababayang si No. 8 seed P. Karthikeyan sa sixth round.
Sa girls’ division, binigo naman ni Christy Lamiel Bernalkes si No. 39 Priya Hena ng India upang umakyat sa 21st hanggang 33rd places mula sa kanyang 3.0 points.
May 2 wins, 2 draws at 2 losses ang pambato ng Univertsity of the East na si Bernales, kumampanya sa Dresden Olympiad.
- Latest
- Trending